BREAKING NEWS

#SerbisyoBandera: 85 volunteers nagkaisa sa tree planting sa Rizal

#SerbisyoBandera: 85 volunteers nagkaisa sa tree planting sa Rizal
PHOTO: Courtesy of SCJ Volunteers Manila

NAGPAKITANG-GILAS sa kalikasan ang Shincheonji Volunteers Manila matapos pangunahan ang isang makabuluhang tree planting drive na ginanap sa riverside ng Barangay Sta. Ana bilang bahagi ng selebrasyon ng Earth Month.

Sa ilalim ng temang “Go Green, Grow Together,” umabot sa 85 volunteers mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa, kabilang ang pamahalaan, civic groups, at komunidad para isulong ang pangangalaga sa kapaligiran, disaster resilience, at pangmatagalang kabuhayan ng mga residente.

Kabilang sa mga nakipagtulungan ang Philippine Army 2nd Civil-Military Operations Battalion, Department of Agriculture Bureau of Plant Industry, Rotary Club of San Mateo, San Mateo Business Club, at ang lokal na pamahalaan ng San Mateo sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Sa nasabing aktibidad, nagtanim ang mga kalahok ng kabuuang 300 punla, na kinabibilangan ng 100 bamboo at 200 fruit-bearing trees, na mula sa DA-BPI. 

Baka Bet Mo: #BiyaheGoals: Safety tips sa mga motoristang balak mag-long drive

Pinangunahan naman ng MAO ang technical orientation habang tumulong sa paghahanda ng lugar ang mga DOLE-TUPAD workers. 

Sama-samang naglinis, naghukay, at nagtanim ang mga volunteers.

Ayon sa Officer-in-Charge ng Municipal Agriculture Office of San Mateo na si Alexis Santos, mahalaga ang ganitong inisyatiba upang masolusyunan ang mga suliranin sa kapaligiran.

“This initiative proves that when communities, government, and organizations work together, we can build solutions that protect both people and the environment. Bamboo planting is not just for today. It is an investment in climate resilience, sustainable livelihoods, and the future of our communities,” sey ni Santos.

Hindi lang simpleng pagtatanim ang layunin ng proyekto, dahil ipinakita rin dito ang kahalagahan ng kawayan sa laban kontra climate change dahil sa mabilis nitong paglaki at kakayahang sumipsip ng carbon, nakatutulong ito sa pagpigil ng soil erosion at pagbaha.

Para sa mga residente sa tabing-ilog ng Sta. Ana, may dala rin itong pangmatagalang benepisyo mula sa disaster mitigation hanggang sa posibleng pagkakakitaan sa hinaharap kapag tumubo na ang mga tanim na kawayan. 

Dagdag pa rito ang mga prutas na maaaring magsilbing dagdag pagkain at kita.

Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-usbong ng proyekto, mismong mga residente ang mangangasiwa sa pag-aalaga ng mga itinanim, kabilang ang regular na pagdidilig, replanting, at iba pang follow-up activities.

Higit pa sa gawaing pangkalikasan, binigyang-diin ng SCJ Volunteers Manila ang mas malalim na layunin ng kanilang misyon.

Ito ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa at sa kalikasan, na hango sa inspirasyon ng Matthew 5:16.

Sa kabuuan, pinatunayan ng “Go Green, Grow Together” na mas nagiging makabuluhan ang pangangalaga sa kalikasan kapag sama-samang kumikilos ang komunidad tungo sa iisang layunin.

Ang SCJ Volunteers ay isang global non-government organization na kaanib ng Shincheonji Church of Jesus, na nakatuon sa iba’t ibang programang pangkomunidad gaya ng environmental protection, livelihood support, at social development.

Para sa iba pang updates, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page sa fb.com/shincheonjivolunteersph.

The post #SerbisyoBandera: 85 volunteers nagkaisa sa tree planting sa Rizal appeared first on Bandera.


Uploaded Image
#SerbisyoBandera: 85 volunteers nagkaisa sa tree planting sa Rizal #SerbisyoBandera: 85 volunteers nagkaisa sa tree planting sa Rizal Reviewed by pinoyako on April 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close