TNT winner JM Yosures binengga si Alvin, baka raw maging senador pa

MATAPANG na binengga ng "Tawag ng Tanghalan" season 4 grand winner na si JM Yosures ang isang personalidad na nagngangalang "Alvin."
Wala mang binanggit na pangalan, feeling ng netizens, ang tinutukoy ni JM sa kanyang hugot ay ang kontrobersyal na social media personality na si Alvin Aragon.
Sa post niya sa Facebook, sinabi ni JM, na tumatayong hurado sa kasalukuyang season ng "TNT" ng "It's Showtime" na huwag nang bigyan ng platform ang mga taong tulad ni Alvin.
Nangangamba raw kasi siya para sa Pilipinas dahil ang mga tulad umano ni Alvin na may kakaiba at nakasasakit na pananaw ang nagiging senador.
"'Wag niyo bigyan ng platform yang Al/vin na yan. Mga ganyang ugali at pananaw ang nagiging senador e," ang nakasaad sa FB post ni JM.
"Bahala kayo HAHA," hirit pa niya.
Komento ng isang netizen sa post ni JM, "Alvin Aragon for Senator #teamdu30."
Nireplayan naman siya ng Kapamilya singer, "Sarcasm ba to boss hahaha!"
Sey naman ng isa pang netizen "phobia unlocked" daw kapag pinasok din ni Alvin ang politika.
Sagot ni JM, "Ay hindi talaga malabo yan. Baka magka-party list pa ngani."
Hanggang ngayon ay kaliwa't kanang batikos pa rin ang natatanggap ni Alvin dahil sa pananaw niya tungkol sa homosexuality.
Pinaninindigan ng asawa ng dating SexBomb Girls na si Izzy Trazona ang kanyang paniniwala na ipatatapon sa impiyerno ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na hindi pa nagbabago at nagsisisi sa kanilang kasalanan.
Lantaran din niyang ipinanawagan sa GMA Network na tanggalan ng show ang King of Talk na si Boy Abunda dahil tila hinihikayat pa nito ang mga magulang na okay lang magkaroon ng beki at lesbian na anak.
The post TNT winner JM Yosures binengga si Alvin, baka raw maging senador pa appeared first on Bandera.

No comments: