BREAKING NEWS

Leni Robredo sa pagtakbong presidente sa 2028: Hindi ko pa rin sigurado

Leni Robredo sa pagtakbong presidente sa 2028: Hindi ko pa rin sigurado
Sara Duterte at Leni Robredo

MULING nagbigay ng pahayag si Naga City Mayor Leni Robredo tungkol sa pangungulit sa kanya na tumakbo uling presidente sa 2028

Tuluy-tuloy ang panawagan ng madlang pipol na sana'y kumandidato uli si Robredo sa pagkapangulo sa Eleksyon 2028.

Sa YouTube vlog ng Kapamilya broadcast journalist na si Bernadette Sembrano, nagsalita uli ang dating bise presidente patungkol sa 2028 presidential elections.

Ayon kay Robredo, hindi raw muna niya pinapansin ang pangungulit at pagkumbinsi sa kanya ng maraming Pinoy na labanan si Vice President Sara Duterte sa 2028.

"Hindi ko muna pinapansin. Kasi ayaw kong ma-distract ako from what I'm doing now. Ang obligasyon ko first and foremost, Naga," ang pahayag ni Robredo.

Sundot na tanong sa kanya ni Bernadette, "But for sure, tatakbo ka ulit?"

"Hindi ko pa rin sigurado. Hindi ako politikong pinagpaplanuhan 'yong susunod, e. Wherever the road takes me. 

"Pero ang importante sa akin, with the mandate given to me, aayusin ko," aniya pa.

Kung matatandaan, sunud-sunod ang naging panawagan kay Robredo ng ilang grupo na tumakbo uling presidente sa susunod na eleksyon.

Kabilang na riyan ang naging running mate niya noon sa pagka-Bise Presidente na si Sen. Kiko Pangilinan.

Pero sabi ng alkalde sa isang panayam, "Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jumpoff point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay yung 2028."

The post Leni Robredo sa pagtakbong presidente sa 2028: Hindi ko pa rin sigurado appeared first on Bandera.


Leni Robredo sa pagtakbong presidente sa 2028: Hindi ko pa rin sigurado Leni Robredo sa pagtakbong presidente sa 2028: Hindi ko pa rin sigurado Reviewed by pinoyako on March 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close