BREAKING NEWS

#SerbisyoBandera: Mga babaeng PDL ibinida ang galing sa paggawa ng bags sa QC

#SerbisyoBandera: Mga babaeng PDL ibinida ang galing sa paggawa ng bags sa QC
PHOTO: Facebook/QuezonCity Jail-Female Dormitory

BUMIDA sa Quezon City ang mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng kanilang talento sa paggawa ng handcrafted na bags. 

Sa tulong ng lungsod, binibigyan sila ng pagkakataon na ibandera ang kanilang galing at malikhaing produkto sa mas malawak na merkado.

Sa pangunguna ng Quezon City Jail Female Dormitory, kasama ang QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office at Quezon City University, ang nasabing proyekto ay naging daan para maipakita at mabenta sa totoong merkado.

Ang mga likha ng mga PDL ay tampok na ngayon sa Solaire Resort North, na nagbibigay ng exposure sa kanilang mga produkto at direktang nakakatulong sa kanilang kita at suporta sa pamilya.

Baka Bet Mo: 70-year-old na PDL lumaya na matapos ang 26 years sa tulong ng DOJAC

Mula nang ilunsad, nakabenta na ang partnership ng mahigit P100,000 hanggang February 2026, na direktang sumusuporta sa mga PDL na kalahok at kanilang mga pamilya.

Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang epekto ng proyekto na kaakibat ng lungsod na programang "No Woman Left Behind."

"This is what second chances look like," sey ni Mayor Belmonte. 

Wika pa niya, "By bringing their craftsmanship to a wider audience, we are helping women rebuild their confidence, support their families, and prepare for life beyond detention."

Higit pa sa isang showcase, ang pakikipagtulungan na ito ay matibay na pahayag ng inclusion, dignity, at hope.

Habang lumalawak ang kolaborasyon, patuloy na pinangungunahan ng Quezon City ang mga makabago at inklusibong paraan para sa rehabilitasyon, nagbibigay kapangyarihan sa pinakamahihina upang umunlad at magtagumpay.

The post #SerbisyoBandera: Mga babaeng PDL ibinida ang galing sa paggawa ng bags sa QC appeared first on Bandera.


#SerbisyoBandera: Mga babaeng PDL ibinida ang galing sa paggawa ng bags sa QC #SerbisyoBandera: Mga babaeng PDL ibinida ang galing sa paggawa ng bags sa QC Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close