BREAKING NEWS

RR Enriquez pumalag sa bashers ni Kiray: Nasa online selling ang pera!

RR Enriquez pumalag sa bashers ni Kiray: Nasa online selling ang pera!
RR Enriquez, Kiray Celis

SA panahon ngayon, hindi lang sa TV at pelikula pwedeng kumita dahil pati online, may pera rin! 

Pinatunayan ito ni RR Enriquez, na dumepensa at todo suporta sa kaibigang si Kiray Celis laban sa mga bashers ng live selling.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nag-share si RR ng quote cards mula sa ABS-CBN News kung saan ibinandera ni Kiray ang kanyang sagot sa bashers.

Ang sabi pa nga niya: "May nag-comment nang nagla-live ako, sabi, 'yuck, online seller na lang'. Gusto ko sabihin, 'doon umayos buhay ko.' Hindi siya online seller lang. Hindi ko kaya sabihin 'yung 'lang' kasi doon umayos buhay ng pamilya ko."

Baka Bet Mo: RR Enriquez 'di bet bagong ilong ni Sanya Lopez: Utang na loob

"Ngayon, ako na nagpapa-aral sa mga pamangkin ko lahat, dati baon-baon lang. Dahil sa 'online lang' na sinasabi nila," aniya pa.

Pabor na pabor naman si RR at iginiit na hindi nakakahiya na kumita sa online. 

"Agree with you Kiray. Nasa online selling ang pera. Lahat ng klaseng online may pera if marunong ka lang gumamit," paliwanag niya.

Bukod sa online selling, pwede ring pagkakitaan ang gaming, social media promotion, at video editing. 

"Online games may pera, mag-online ka lang sa Facebook, TikTok or Instagram at mag-promote ng brands, magkakapera ka. Mag edit ka ng video at i-offer mo ito as a video editor magkaka-pera ka na," esplika pa niya.

Giit pa ni RR, "Hindi nakakahiya na gamitin ang diskarte sa online para magkapera."

Binatikos din niya ang mga taong puro chismis at bash sa internet pero wala namang kinikita: "Ang nakakahiya is 'yung online ka kakachizmiz at bash nang hindi ka nagkakapera. Yung sawsawera online ko kumikita din ako kaso tinigil ko na. Ibalik ko kaya."

Sey pa niya, "But anyways ang point dito is gamitin natin ang online para magka pera!!!"

Dahil sa sinabi ni RR, muli niyang pinatunayan na may lehitimong halaga ang digital entrepreneurship. 

Sa mundo ng showbiz at social media, ang tamang paggamit ng online platforms mula sa live selling hanggang sa content creation ay hindi lang paraan para kumita, kundi para tulungan din ang pamilya at sarili.

The post RR Enriquez pumalag sa bashers ni Kiray: Nasa online selling ang pera! appeared first on Bandera.


RR Enriquez pumalag sa bashers ni Kiray: Nasa online selling ang pera! RR Enriquez pumalag sa bashers ni Kiray: Nasa online selling ang pera! Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close