BREAKING NEWS

Kathryn Bernardo tinalikuran ng ibang faney, anyare?

Kathryn Bernardo tinalikuran ng ibang faney, anyare?

MARAMI na sa mga faney ang nagdesisyon na talikuran at itigil na ang pagsuporta sa Kapamilya actreess na si Kathryn Bernardo.

Ito ay matapos kumalat ang video ng dalaga kung saan makikitang sweet sila habang magkasama ni Lucena City Mayor Mark Alcala.

Si Mark ay ang napapabalitang rumored boyfriend ni Kathryn.

Bagama't marami nang mga naunang larawan na kumalat sa social media kung saan magkasama silang dalawa, mukhang ito na ang naging turning point ng ilan para tuluyan nang bumitaw sa aktres.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Mark Alcala magkasama uli, lantaran na ba ang relasyon?

Sa reddit, isang netizen ang nagbahagi ng viral video ni Kathryn kung saan sweet sweetan kay Mark at tila pinupunasan pa ang labi ng alkalde habang nakasakay sa escalator.

Sa comment section makikita na marami sa mga fans at netizens ang dismayado sa umano'y new dyowa ng aktres.

"I can't believe sa napapanood ko. Grabeng downgrade to, Kathryn. Anyare na sa 'yo?" saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "This obviously looks like a PR move. All of a sudden, naging public na sila at dedma lang sa nagvivideo the whole time?? Haha move nila yan para unti unti ma-public na relationship nila."

"Acm na ni Kathryn to think na marami naman syang pera para dumikit sa buwaya nayan," hirit ng isa.

Sey naman ng isa, "Grabe. Di ko alam kung maaawa ako. I used to defend you before pero mukhang totoo talagang may something kayo. Sana magising ka na."

Samantala, wala pa namang pahayag so Kathryn hinggil sa pagkakahulicam sa kanila ni Mark sa isang shopping mall sa Makati.

The post Kathryn Bernardo tinalikuran ng ibang faney, anyare? appeared first on Bandera.


Kathryn Bernardo tinalikuran ng ibang faney, anyare? Kathryn Bernardo tinalikuran ng ibang faney, anyare? Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close