Rep. Sarah Elago ‘di palalampasin pambabastos ni Topacio: Kailangang panagutin

NAGLABAS ng saloobin si Gabriela Women's Party Rep. Sarah Elago kaugnay sa naging pahayag ni Atty. Ferdinand "Ferdie" Topacio na "pinagnasaan" siya nito nang magkita sila sa isang hearing.
Sa kanyang X (dating Twitter), sinabi niyang hindi niya hahayaan at gagawa siya ng aksyon laban sa mga nakakabasts na pahayag nito.
"BAWAL BASTOS! Hindi natin ito palalagpasin. Kailangan nating panagutin," saad ni Elago.
Aniya, walang puwang sa lipunan ang ganitong klaseng pag-uugali ni Topacio at patuloy siyang kikilos para wakasan ang mga ganitong nangyayari sa mga kababaihan.
Baka Bet Mo: Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing
"Walang puwang sa lipunang naghahangad ng tunay na pagbabago ang ganitong kaisipan at pag-uugali. Patuloy na kumilos, mag-organisa upang wakasan ang lahat ng anyo ng seksismo at karahasan laban sa kababaihan!" sabi pa ni Elago.
Matatandaang nitong Huwebes, March 5, inamin mismo ni Topacio sa programa niyang "Yes… Yes… Yo! Topacio" ng DWIZ News na minsan siyang nakaramdam ng pagnanasa umano sa mambabatas.
"Ako dati, pinagnasahan ko rin si Sarah Elago, e. Naamoy ko noong hearing namin sa DOJ. Magalit na kayo kung magagalit kayo sa akin. I don't care.
"Kasi talagang ako, suklam na suklam sa hypocrisy, kaplastikan. Kasi I always say what I mean and I mean what I say," sey ni Topacio.
The post Rep. Sarah Elago 'di palalampasin pambabastos ni Topacio: Kailangang panagutin appeared first on Bandera.

No comments: