BREAKING NEWS

Vice Ganda sinita mga toxic fans ng PBB housemates: Be kind!

Vice Ganda sinita mga toxic fans ng PBB housemates: Be kind!

PINALAGAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga toxic fans ng mga "Pinoy Big Brother" housemates.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, diretsahan niyang kinol-out ang mga faney na ang hilig mang-bash sa tuwing may nakikita at naririnig na hindi nila gusto patungkol sa kanilang iniidolo.

"Madami nga talagang toxic na fans ang mga PBB housemates. Mabababa ang functional literacy," panimula mo Vice.

Aniya, kaya raw hindi maiwasan ng mga staff ng show na mapabuntong hininga sa tuwing may guests mula sa PBB dahil mataas ang tsansa ng bashing kapag may hindi sila nagustuhan.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpatutsada kay Bong Suntay: Pinag-iinit mo 'yung ulo ko

"Kaya napapabuntong hininga na lng ang mga staff ng show pag guest yang housemates e kasi for sure may mga fantards na konting utot magmamaoy. Imbis na maexcite ang staff nasstress," hurit pa ni Vice.

Nag-retweet at sinagot rin ng "It's Showtime" ang ilang mga tweets ng mga toxic fans.

May isa pa na nagsasabing siya raw ay ninang ng bunsong anak ni Karla Estrada na si Lella Ford, ang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa pinakahuling edisyon ng PBB Collab.

"Tulad nito! Kelan ako naging ninang ni Lella??? Di ko nga alam kung nabinyagan na yan e! To naman makagawa lang ng chika. Magbasa basa ka na nga lng ng libro na bata ka para kahit papano maging smart ka. Go start na sa page 1!" banat ni Vice sa netizen.

Matatandaang nitong Biyernes, March 6, nag-guest sina Lella at si Caprice Cayetano na siya namang Kapuso Big Winner.

Nagbahagi naman si Vice sa mga fans ng dalawang big winners.

"Sa lahat ng mga fans, all of you are appreciated, but please don't forget to be kind. Dapat masaya lang tayo. Suportahan natin ang bawat isa sa masayang pamamaraan. 'Wag n'yong bibigyan ng sakit ng ulo ang mga idols ninyo," sey ng Unkabogable Star.

The post Vice Ganda sinita mga toxic fans ng PBB housemates: Be kind! appeared first on Bandera.


Vice Ganda sinita mga toxic fans ng PBB housemates: Be kind! Vice Ganda sinita mga toxic fans ng PBB housemates: Be kind! Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close