BREAKING NEWS

Dingdong Dantes sasabak sa matinding bakbakan sa ‘The Master Cutter’

Dingdong Dantes sasabak sa matinding bakbakan sa 'The Master Cutter'
PHOTO: Courtesy of Netflix

TODO buwis-buhay na aksyon ang hatid ni Dingdong Dantes sa bago niyang seryeng "The Master Cutter," isa sa mga local titles na ibinandera sa unang Next on Netflix Philippines event kung saan personal na dumalo ang BANDERA.

Ang serye ay isang action drama mula sa GMA Network na umiikot sa karakter ni Dingdong na si Atoy, isang dating scout ranger na may double life at mapanganib na buhay.

Sa umaga, isa siyang tahimik na mananahi sa Baclaran na abala sa pagtatahi ng mga damit. 

Ngunit pagdating ng gabi, nagiging bounty hunter siya na humaharap sa mga delikadong misyon para ipagtanggol ang mga taong mahalaga sa kanya.

Baka Bet Mo: Angelu, Bobby, Rica sanib-pwersa sa 'Paskong Pinoy'; Barbie, Enchong magkatambal

Ayon kay Direk Dominic Zapata, sinadya nilang ilagay ang kwento sa makulay at magulong mundo ng Baclaran upang ipakita ang buhay ng mga ordinaryong tao sa gitna ng kaguluhan.

"The Master Cutter is an action series starring, of course, Dingdong Dantes. First of all, we set it in Baclaran, something very normal. The idea really is to layer the chaos of Baclaran with all the action scenes," paliwanag ng direktor.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0fT9KrqER6ZQTjyKqWZrP2SDjPCuo9SGUY3WdmvTcmM6SphFgr3K6Rg5rHVrEMbsTl&show_text=true&width=500" width="500" height="710" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Dagdag pa niya, nais nilang ipakita ang mga personal na kwento ng mga karakter sa likod ng magulong kapaligiran.

"We explore these characters and we try to showcase what it is that you could appreciate about these characters and in their real lives… so they're all very relatable and at the same time, it's spiced with a lot of action," kwento pa ng direktor ng proyekto.

Para naman kay Dingdong, kakaiba at challenging ang papel na ginagampanan niya bilang si Atoy.

Ayon sa kanya, isa sa mga nagustuhan niya sa proyekto ay ang pagiging layered ng kanyang karakter.

"Portraying the role of Atoy is very, very interesting for me as a performer, because there is a performance within a performance," sambit niya.

Ibinunyag din niya na madalas mag-disguise ang kanyang karakter sa iba't ibang katauhan.

"Sometimes he becomes someone else, he becomes a clown, he becomes a Cuban mafia… so ang daming mga characters na pinaglalaruan," chika niya.

Bukod sa matitinding action scenes, ikinatuwa rin ni Dingdong na makatrabaho ang ilang mahuhusay na artista tulad nina Paolo Contis, Max Collins, Shuvie, Sienna Stevens, at marami pang iba.

"It's not just action-packed, but what I love about it is that it's full of art," saad ng Kapuso Primetime King.

Ibinahagi rin ng aktor ang espesyal na koneksyon nila ng direktor, na nagsimula pa halos tatlong dekada na ang nakalipas.

"29 years ago, siya yung isa sa mga nagbukas ng pinto sa akin para pumasok sa acting through the show TGIS," kwento ni Dingdong tungkol sa unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Direk Zapata.

Samantala, malaking hakbang din para sa lokal na industriya ang pagpapalabas ng serye sa Netflix.

Mapapanood muna ang "The Master Cutter" sa Netflix simula April 17, ito ay 72 hours bago ito ipalabas sa free TV, at magiging available rin ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Southeast Asia.

"As much as we embrace and we enjoy the works of our brothers and sisters in the region, our hope and the dream is also for our work to be appreciated outside the Philippines," ani Dingdong.

The post Dingdong Dantes sasabak sa matinding bakbakan sa 'The Master Cutter' appeared first on Bandera.


Dingdong Dantes sasabak sa matinding bakbakan sa ‘The Master Cutter’ Dingdong Dantes sasabak sa matinding bakbakan sa ‘The Master Cutter’ Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close