AYOS PH target maging tech success, posibleng pondohan ng venture capital investors

USAP-USAPAN sa startup at tech circles ang umano'y posibleng malaking investment para sa Pinoy on-demand home services platform na AYOS PH.
Ayon sa ilang industry observers, nasa negosasyon umano ang kumpanya sa ilang regional venture capital (VC) firms para sa isang posibleng funding round.
Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kumpanya o sa mga sinasabing investors.
Kung sakaling matuloy ang investment, maaaring ihambing ang posibleng valuation ng AYOS PH sa mga kahalintulad na gig economy platforms sa Malaysia at Singapore.
Baka Bet Mo: Inflation rate tumaas sa 2.4% noong February 2026
Isa sa mga madalas na ikinukumpara ng mga analyst ay ang Malaysian platform na GigaGigs, na nag-uugnay ng mga service providers at kliyente para sa iba't ibang gawain sa bahay tulad ng aircon cleaning, plumbing, electrical works at iba pang handyman services.
Noong 2021, nakakuha ang GigaGigs ng humigit-kumulang $2 million o P117.4 million na Series A funding mula sa ilang investors.
Dahil dito, madalas itong ginagamit na halimbawa sa pagtingin ng mga venture capital firms sa mga kahalintulad na negosyo sa rehiyon.
Ayon sa ilang market studies, patuloy ang paglaki ng gig economy sa Malaysia at inaasahang aabot sa mahigit $23 billion o P1.35 trillion ang halaga ng sektor sa susunod na mga taon.
Sa panig ng Pilipinas, sinasabi ng ilang analyst na may potensyal din ang ganitong uri ng serbisyo dahil sa laki ng populasyon at sa patuloy na pag-usbong ng digital services.
Ilan sa mga binabanggit na dahilan kung bakit nagiging interesado ang mga investor sa ganitong negosyo sa bansa ay ang pagdami ng gumagamit ng digital payments tulad ng GCash at Maya, pati na rin ang lumalaking demand para sa mga serbisyo sa bahay sa mga urban area.
Batay sa paghahambing sa ibang platform sa Southeast Asia, tinataya ng ilang market watchers na maaaring umabot sa $10 million (P587 million) hanggang $15 million (P880.5 million) ang valuation ng isang startup sa ganitong sektor kung makakuha ito ng Series A funding.
Sa mas advanced na yugto ng paglago, maaari pa itong tumaas depende sa laki ng user base at lawak ng operasyon.
Gayunman, binibigyang-diin ng mga analyst na pawang pagtataya lamang ang mga numerong ito.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na komento ang AYOS PH tungkol sa usapin ng posibleng investment deal.
Gayunman, may mga ulat na posibleng magpalawak pa ng operasyon ang platform sa iba pang lungsod sa bansa tulad ng Cebu City at Davao City.
Habang wala pang kumpirmasyon, patuloy na sinusubaybayan ng mga nasa startup ecosystem ang mga susunod na hakbang ng kumpanya at kung magkakaroon nga ba ng bagong investment na papasok sa naturang platform.
The post AYOS PH target maging tech success, posibleng pondohan ng venture capital investors appeared first on Bandera.

No comments: