Jinggoy Estrada binanatan ng netizens, joke sa Gilas prospect ‘di nakakatawa

NAPATAAS ang kilay ng mga netizens sa naging pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada sa Gilas Pilipinas Women prospect Elizabeth Jeanette Means hinggil sa pagkakaroon niya ng dyowang Pilipino.
Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights noong Martes, March 3, tinanong ng senador si Elizabeth hinggil sa kanyang lovelife.
"[Do] you have a Filipino boyfriend?" pag-usisa ni Estrada kay Means.
Sinagot naman ng dalaga ang senador at sinabing hindi pa siya nagkakaroon ng dyowang Pinoy.
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada bumuwelta ng perjury complaints laban kay Brice Hernandez
Kasunod nito ay ang pagrerekomenda ni Estrada sa kapwa senador na si Atty. Kiko Pangilinan.
Hirit niya, "Maybe Senator Pangilinan might want to apply. Ah, sorry to Sharon."
Agad namang sinagot ni Pangilinan ang hirit ni Estrada at sinabing, "Magagalit yung commander [Sharon Cuneta]."
Matatandaang pinag-usapan sa naturang hearing ang pagbibgay ng Filipino citizenship ng Senado para sa isang atletang minamatahang maisama sa line-up ng national team.
Agad naman nag-trending sa social media ang pahayag ni Estrada at tila sumasapaw raw ito at nakikisabay sa init ng ulo ng netizens kay Rep. Bong Suntay.
"Pamanyak nang pamanyak mga politiko ngayon," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Si Jinggoy gusto pang agawin spotlight ni Suntay."
"Teh may asawa na yung tao. The audacity!" sabi ng isa.
Hirit naman ng isa, "Naturalization pinunta ni ate, nabastos pa ngani."
Paglilinaw naman ni Estrada, nagbibiro lamang siya sa kanyang pahayag at pakunwari lang ang pagrereto sa atleta sa kapwa senador na may asawa na.
The post Jinggoy Estrada binanatan ng netizens, joke sa Gilas prospect 'di nakakatawa appeared first on Bandera.

No comments: