BREAKING NEWS

Tuesday Vargas naalarma sa aksyon ni Willie sa ‘tit*’ blooper ng dancer

Tuesday Vargas naalarma sa aksyon ni Willie sa 'tit*' blooper ng dancer
Tuesday Vargas, Elay at Willie Revillame

VIRAL at trending sa social media ang isa sa mga dancer-host ng bagong game show ni Willie Revillame na "Wilyonaryo".

Laugh nang laugh ang mga netizens nang magkamali ang dancer na si "Elay" sa salitang nabanggit niya habang umeere ang programa sa free TV at online.

Ang "Wilyonaryo" ni Willie ay napapanood tuwing tanghali sa WilTV, Cignal Play, SatLite, at sa kanilang mga social media platforms. 

Katapat nito ang "It's Showtime" ng GMA 7 at ABS-CBN at "Eat Bulaga" na napapanood naman sa TV5.

Sa naturang video clip, mapapanood nga si Elay na sa halip na "ticket" ang masabi ay "t*t*" o ang maselang bahagi ng katawan ng lalaki ang nabanggit niya on air.

Nangyari ito sa Thursday episode ng programa, March 5, kung saan tinawag ni Kuya Will si Elay para pumuwesto sa harapan habang sumasayaw sa background music na "Buksan Mo".

Inabutan siya ng microphone at sinabihan siya ni Willie ng, "Bumati ka muna, go!" 

"Happy Thursday, everyone! Luzon, Visayas, at Mindanao! Hawakan na ang mga t*t*… hawakan na ang mga ticket at tumutok sa Wilyonaryo!" natawa pero hiyang-hiya na sabi ng dancer.

Agad namang sumingit si Willie at itinama ang sinabi ng kanyang dancer, "Hawakan ang mga ticket, that's right!" 

Nilapitan niya si Elay at natatawang nag-dialogue ng, "Hahampasin kita, e." At saka pinaulit sa kanyang co-host ang spiel nito. Hindi naman  pinagalitan nang live ni Willie ang nagkamaling dancer.

Hirit naman ng mga netizens, kabagu-bago pa lang daw sa ere ng "Wilyonaryo" pero baka raw makatanggap na sila agad ng notice mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pa namang sulat o paalala na natatanggap sa pamunuan ng MTRCB ang "Wilyonaryo".

Samantala, nagsalita naman ang komedyante at host ding si Tuesday Vargas sa naging reaksyon ni Willie matapos magkamali si Elay.

Sey ni Tuesday, hindi siya nababahala sa pagkakamali ng dancer. Mas naalarma raw siya sa akmang mananampal na ikinilos ni Willie.

"Hindi ako nabahala sa 'Hawakan ang mga (talong o eggplant emoji). Nabahala ako sa sinabi nu'ng main host at nang mwestra pa na parang mananampal ng babae sabay sabi 'hahampasin kita dyan, eh,'" ani Tuesday.

Hirit pa niya, "Kelan at sino ba ang nagsabi na normal gawin yan? Reviewhin nyo yung footage."

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Willie hinggil sa pahayag ni Tuesday.

The post Tuesday Vargas naalarma sa aksyon ni Willie sa 'tit*' blooper ng dancer appeared first on Bandera.


Tuesday Vargas naalarma sa aksyon ni Willie sa ‘tit*’ blooper ng dancer Tuesday Vargas naalarma sa aksyon ni Willie sa ‘tit*’ blooper ng dancer Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close