REVIEW: ‘Hoppers’ tunay na feel-good family film na nakakaaliw, may aral

SA mundong puno ng ingay, stress, at kung anu-anong problema, minsan kailangan lang natin ng isang kwento na magpapaalala kung gaano kahalaga ang kabutihan, pagkakaibigan, at malasaki…kahit pa sa mundo ng mga hayop.
Ito ang hatid ng makulay at nakakatuwang animated film na "Hoppers," na showing na ngayon sa mga lokal na sinehan.
Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa special advance screening ng pelikula sa TriNoma, at masasabi ngang sulit ang bawat minutong panonood.
Super fun ang pelikula na punong-puno ng tawanan, nakakatuwang eksena, at may mga sandali ring tatama sa emosyon ng manonood.
Baka Bet Mo: LIST: Hollywood to restored Pinoy classics aabangan sa big screen sa Marso
Maganda ang timpla ng humor at heart sa pelikula, kaya hindi lang mga bata ang matutuwa kundi pati mga adult na naghahanap ng feel-good movie.
Isa itong cute, entertaining, at makabuluhang adventure na swak na swak para sa isang masayang family movie night.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/jjzgBkeXkfM?si=MuCQMF134fd8f_IE" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Sa pelikula, tampok ang kwento ni Mabel, isang animal lover na nagkaroon ng pagkakataon na subukan ang isang bagong teknolohiya na nagpapahintulot sa kanya na "hop" sa katawan ng isang robotic beaver upang direktang makipag-usap sa mga hayop.
Ngunit ang tila simpleng eksperimento ay hahantong sa isang mas malaking pakikipagsapalaran na puno ng misteryo sa mundo ng mga hayop.
Makakasama ni Mabel sa kanyang adventure ang charismatic na beaver na si King George, habang hinaharap nila ang mga hamon sa animal kingdom.
Lalong magiging kapanapanabik ang kwento kapag ang smooth-talking mayor na si Jerry Generazzo ay nagbanta sa kapakanan ng mga hayop, dahilan para magsanib-pwersa sina Mabel at King George upang pag-isahin ang buong animal kingdom.
Mas lalong nabigyang-buhay ang pelikula dahil sa all-star voice cast na kinabibilangan nina Kathy Najimy, Dave Franco, at Meryl Streep.
Si Piper Curda ang nagbibigay-boses kay Mabel, habang sina Bobby Moynihan bilang King George at Jon Hamm bilang Mayor Jerry Generazzo ang nagdagdag pa ng saya at kulay sa pelikula.
Ang "Hoppers" ay idinirehe ni Daniel Chong, may musical score mula kay Mark Mothersbaugh, at tinatapos ng end-credits song na "Save The Day" mula kay SZA.
Para naman sa mas kumpletong movie experience, mas maganda itong mapanood sa Ayala Malls Cinemas kung saan mas magiging immersive ang adventure ni Mabel.
May comfy seats, malinaw at malalaking screen, Dolby Atmos sound system, at maging 4DX theaters na magdadala sa manonood sa gitna ng masayang adventure.
The post REVIEW: 'Hoppers' tunay na feel-good family film na nakakaaliw, may aral appeared first on Bandera.

No comments: