Tarpaulin ni Bong Suntay pinagtripan sa QC: ‘MANYAKIS’

DINOGSHOW ng mga galit na galit kay Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay ang kanyang tarpaulin na nakapaskil sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Kumakalat ngayon sa social media ang litrato ng naturang campaign material na may litrato ni Suntay at ng ilan niyang kaalyado sa politika.
Makikita sa naturang tarpaulin ang pag-vandalize sa gitna at ibabang bahagi nito ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal.
Nilagyan ito ng pulang spray paint kung saan nabuo ang salitang "MANYAKIS".
Baka Bet Mo: Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis
Nangyari ang insidente sa gitna ng pambabatikos at pambebengga ng taumbayan kay Suntay dahil sa kontrobersyal na pahayag niya patungkol sa TV host-actress na si Anne Curtis.
Idinamay kasi ng mambabatas ang Kapamilya star sa pagdinig ng Kongreso sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Bugbog-sarado ngayon si Suntay sa madlang pipol kasabay ng panagawang mag-resign na siya sa pwesto dahil hindi umano siya karapat-dapat na maging public servant.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pag-vandalize sa poster ni Suntay.
"Respeto sa kababaihan."
"Public official ka, mag-ingat sa salita."
"Hindi nakakatuwa ang ganitong biro."
"Deserve."
"QCitizens are watching."
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Suntay kaugnay sa vandalism ng kanilang tarpaulin.
Nauna rito, humingi na ng paumanhin si Suntay sa naging statement niya kay Anne pero nanindigan pa rin siya na walang imoral o sexual sa sinabi niya.
"While may mga tao siguro that found the analogy in bad taste, doon sa mga na-offend, inuulit ko, walang malice doon sa ninais nating gawin doon sa statement na iyon. Ayaw natin makasakit through that analogy.
"But kung may nasaktan, humihingi tayo ng dispensa. Kay Ms. Anne Curtis din, kung nasaktan siya sa sinabi, uulitin ko, there was no malice intended at tayo humihingi ng dispensa sa kanya," sabi ng mambabatas.
The post Tarpaulin ni Bong Suntay pinagtripan sa QC: 'MANYAKIS' appeared first on Bandera.

No comments: