BREAKING NEWS

REVIEW: ‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ nakakaiyak, nakaka-relate, hahaplos sa puso!

REVIEW: 'Ang Kaliitan ng Kasalukuyan' nakakaiyak, nakaka-relate, hahaplos sa puso!
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MULA sa entablado, nagpamalas ng makabagbag‑damdaming palabas ang Dulaang UP sa kanilang musical play na "Ang Kaliitan ng Kasalukuyan.

Isang obra na hindi basta kasiyahan lang ang hatid, kundi malalim na repleksyon sa buhay at sakripisyo ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang play na ito ay isinulat at idinirek ng multi‑awarded na playwright na si Arlo Deguzman, na naranasan na mismo ang pagiging OFW, kaya ramdam ng audience ang katotohanan sa bawat eksena.

Napanood na ng BANDERA ang preview ng nasabing latest production ng DUP at masasabi namin na parang kabilang din kami sa pamilya ng mga karakter. 

Baka Bet Mo: Dulaang UP patuloy na pinalalakas talentong Pinoy; OFWs ibibida sa bagong show

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F942333495639796%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Ang kwento ay umiikot sa mga reyalidad ng pangungulila, patuloy na pagsasakripisyo para matustusan ang pangangailangan ng pamilya, at ang bigat na iwan ang sariling tahanan para sa kinabukasan.

May mga eksenang hindi inaasahan na talagang tumama sa damdamin, lalo na kung ikaw mismo ay may mahal sa buhay na nasa ibang bansa. 

Isa itong malungkot pero totoo at relatable na pangyayari na madalas hindi napag‑uusapan nang maigi.

Achieve na achieve ng dula ang layunin nitong ipakita na ang pagiging OFW ay hindi simpleng "trabaho lang," kundi tunay na pagmamahal para sa pamilya.

Ang stage design at costumes ay simple lamang at hindi magarbo, pero dahil sa sobrang resourceful nila ay malaki rin ang naging impact nito sa buong show.

Ang minimalistic na disenyo ay nagbigay‑daan upang mas tumutok ang manonood sa emosyon at kwento ng mga karakter.

Ito ang klase ng production na nagpapatunay na hindi nasusukat sa dami ng props, kundi ang puso ng palabas ang tunay na nag‑iiwan ng marka.

Anyway going back sa dula, pinapaalala nito kung bakit nagsisilbing bayani ng ating bayan ang mga OFW.

Ang kanilang selflessness ay hindi biro, lalo na ang ginagawa nilang sakripisyo.

Kung naghahanap ka ng palabas na tumatagos sa puso at nagbibigay ng bagong pananaw sa buhay ng OFWs, ito na ang dapat mong mapanood. 

Sa produksyon, kasama ng mga estudyante ang mga professional at alumni tulad nina Sandino Martin, Tess Jamias, Fermin Villegas, Sheryll Ceasico, Marichu Belarmino, Jojo Cayabyab, Hazel Maranan, Domileo Espejo, at Mitzie Lao. 

Ang kasalukuyang artist-scholars tulad nina Kerr Allen, Angel Manansala, Raymond Aguilar, Julianne Quimio, Ralph Onrubia, Janae Delos Santos, at Cy Guerrero ay lumilikha rin ng kani-kanilang imprint sa creative process.

Ang artistic team ay binubuo rin ng alumni at bagong collaborators, kabilang sina Angel Dayao (Music & Sound Design), Neil Shane Alcain at Jisu Jang (Puppetry Design), Jonas Gabriel Garcia (Dramaturgy), Kirby Dunnzell at Dan Wesley (Movement), Aaron Misayah (Scenic Design), Tilda Oreta (Costume), Third Salamat (Lighting), at Jada Bartolome (Projection Design).

Aarangkada ang musical play hanggang March 29 sa IBG-KAL Theater, UP Diliman tuwing Huwebes at Biyernes: 7:30 p.m.; Sabado at Linggo: 2:30 p.m. at 7:30 p.m.

The post REVIEW: 'Ang Kaliitan ng Kasalukuyan' nakakaiyak, nakaka-relate, hahaplos sa puso! appeared first on Bandera.


REVIEW: ‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ nakakaiyak, nakaka-relate, hahaplos sa puso! REVIEW: ‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ nakakaiyak, nakaka-relate, hahaplos sa puso! Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close