BREAKING NEWS

Coco Martin, Julia bakasyon muna Spain, nakabili na roon ng bahay

Coco Martin, Julia bakasyon muna Spain, nakabili na roon ng bahay

SA Spain pala magbabakasyon sina Coco Martin at Julia Montes para makapagpahinga bago simulan ang bago nilang seryeng "Sigabo."

Matatandaang inamin ng direktor, producer at aktor sa nakaraang finale viewing at thanksgiving party ng "FPJ's Batang Quiapo" na hindi tuloy ang pag-ere ng "Sigabo" ngayong gabi, Marso 16.

Pinayuhan kasi siya ng Team CCM na magpahinga muna silang lahat dahil masyado silang napagod sa finale ng "Batang Quiapo."

Sumang-ayon naman ang aktor at ipinaalam niya ito sa ABS-CBN management na pahinga muna sila para pagbalik ay fully recharge na ang lahat.

Baka Bet Mo: Coco Martin nagpaliwanag sa 'di pa pag-ere ng Sigabo: Sinubukan po talaga namin

Ayon sa aming source, "Sa Spain magbabakasyon sina Coco at Julia, di ba may golden visa sila dahil nakabili na sila ng bahay doon.  

"Suwerte nga kasi bago natapos ang Golden Visa program ng Spain na pinahihintulutang mag-invest o makabili ng properties bago ang April 2025 ay nakabili na yata sila, noong 2024 pa," sabi sa amin.

Tsinek namin ang aming nasulat at 2024 ay naghahanap nga ng bibilhing bahay noon sina Coco at Julia at marahil bago umabot ang deadline ay nakabili na nga ang dalawa.

Sa kasalukuyan ay sobrang saya pa rin ng mga nanalo sa rapol sa nakaraang pa-thank you ng CCM Productions sa lahat ng naging bahagi ng "FPJ's Batang Quiapo."

The post Coco Martin, Julia bakasyon muna Spain, nakabili na roon ng bahay appeared first on Bandera.


Coco Martin, Julia bakasyon muna Spain, nakabili na roon ng bahay Coco Martin, Julia bakasyon muna Spain, nakabili na roon ng bahay Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close