Raffy Tulfo tatakbo uli sa Eleksyon 2028, walang offer mula kina PBBM, VP Sara

HINDI tatakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno si Sen. Raffy Tulfo sa magaganap na national elections sa 2028.
Kinumpirma ng senador at broadcast journalist na tatakbo siya uli bilang senador sa susunod na eleksyon dahil mas happy daw siya sa pagiging public servant bilang mambabatas.
Ayon kay Tulfo, tinanggihan niya ang alok ng ilang mga nasa private sector na kumandidato sa mas mataas na posisyon.
"Dito, mas marami akong nagagawa. Marami akong mas nakakausap na tao. Face-to-face nakakausap ko sila, nabibigyan ko ng solusyon 'yong kanilang problema," pahayag ni Tulfo sa panayam ng media.
Dagdag pa niya, "Kapag ikaw ay nandoon sa itaas, damned if you do, damned if you don't, kung gumawa ka ng tama meron pa rin kokontra sa 'yo na mali ka.
"Kapag hindi ka gumawa, sasabihing tamad ka at wala kang pakinabang.
"Samantalang dito sa Senate, lowkey lang tayo at ginagawa lang natin 'yong trabaho natin. Natutuwa naman ako dahil nakikita ko naman 'yong response nu'ng mga natutulungan natin, so I'm happy," pagbabahagi ni Raffy Tulfo.
Patuloy pa niya, ''Yun ang target ko, mare-elect lang ako, happy na ako—happy na ako muli."
Pinabulaanan din ni Tulfo na kinausap siya nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, Jr., para sa tumakbo sa mas mataas na posisyon.
"Like I said, I'm very happy dito sa Senado. Bakit pa ako pupunta sa isang sitwasyon na hindi ko sure kung anong mangyayari doon. Baka mamaya hindi ko ma-meet 'yong expectations nila," aniya.
"Ayaw ko naman na pag-retire ko ay uuga-uga ako, may sakit ako, nasa kulungan ako. I don't want that to happen to me.
"Gusto ko pag-retire ko, malakas pa rin ako. Nakakapagbakasyon-bakasyon at maalagaan ko mga apo ko.
"Definitely, I will run for reelection. 'Yan, itaga ninyo sa bato. I will run for reelection for 2028 as senator," paniniguro ni Raffy Tulfo.
The post Raffy Tulfo tatakbo uli sa Eleksyon 2028, walang offer mula kina PBBM, VP Sara appeared first on Bandera.

No comments: