Lorna Tolentino may inamin tungkol kay Donny Pangilinan, ano kaya yun?

PURING-PURI ng award-winning veteran actress na si Lorna Tolentino ang Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan.
Gumaganap na mag-ina sina LT at Donny sa hit ABS-CBN action-packed series na "Roja" na magtatapos na this week.
Sa naganap na finale presscon ng teleserye nitong nagdaang Biyernes, March 6, nabanggit ni Lorna pinatunayan ni Donny sa lahat na karapat-dapat siya sa naturang proyekto.
Talaga raw ibinibigay ng aktor ang kanyang 100 percent sa bawat eksena niya sa programa, lalo na ang mga intense, madadrama at buwis-buhay na action scenes.
"Yung intensity ng development niya as a performer, makita mo ang laki ng itinaas. I'm so happy nakasama ko si Donny," ang pahayag ni Lorna.
Ipinangako nina Donny at LT, pati na rin ang isa pang bida ng serye na si Kyle Echarri na mas marami pang pasabog at plot twist na mapapanood ang viewers sa huling linggo ng "Roja."
"Napakaraming nangyari sa lahat ng characters namin. Napakaraming sugar, blood, sweat and tears. Nakaka-proud lang," sey ni Kyle.
"Di nawala intensity sa buong series. Laging may tanong, mamamatay ba, paano ma-escape ito," sey naman ni Donny.
Sa finale week ng "Roja," handa na sina Donny at Kyle na punuin ng aksyon ang huling sagupaan nila sa mga hostage-taker na pinangungunahan ni Emil (Joel Torre).
Kung pasabog ang aksyon, pasabog din ang mga emosyonal na tagpo sa serye sa pagtuklas ni Olsen (Kyle) ng tunay na pagkatao ng kanyang ama, kasabay ng mabigat na desisyon ni Liam (Donny) na isuko sa pulisya ang kanyang inang si Greta (Lorna Tolentino) matapos mapatunayang ito ang mastermind ng hostage-taking.
Masasaksihan din ang mainit na komprontasyon ng dalawang mahusay na aktres sa labanan ng mga nanay dahil malalantad na ang buong katotohanan ng pagiging kabit ni Wendy (Janice De Belen) kay Magnus (Raymond Bagatsing), ang asawa ni Greta.
Para mapanood ang pasabog na finale ng "Roja" sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
The post Lorna Tolentino may inamin tungkol kay Donny Pangilinan, ano kaya yun? appeared first on Bandera.

No comments: