Joj Agpangan buntis na sa 1st baby nila ni Danny Fries: Made in New York!

CONFIRMED! Buntis na ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Joj Agpangan sa panganay nila ng non-showbiz partner na si Danny Fries.
Ibinandera ni Joj ang good news sa pamamagitan ng kanyang latest YouTube vlog kung saan masaya nga niyang ibinalita na magiging mommy at daddy na silang mag-asawa.
Kasalukuyang naninirahan sina Joj at Danny sa Amerika.
"We're pregnant! We're gonna be mom and dad. This is like the biggest blessing, we've been waiting for this one and we're just so happy," ang caption ng dating Kapamilya actress sa kanyang social media post.
Sa naturang vlog, ibinahagi ng former "PBB" housemate ang kanyang naging karanasan sa first trimester ng kanyang pagbubuntis at kung paano niya ibinalita sa asawa na pregnant na siya.
Inamin ni Joj na talagang kinarir nila ng kanyang mister ang paggawa ng baby at sa katunayan, bumisita rin sila sa isang fertility clinic, isang linggo bago niya nalamang buntis na siya.
"We've been praying for this one. We went to a fertility clinic before. Unexpectedly, after a week of the fertility clinic, they just advised us to maybe try this kit to know your ovulation, we didn't need that. After a week, I got pregnant," kuwento ng komedyana.
Pagpapatuloy pa niya, "I always tell my husband that I wanna be a mom someday during our first date, I was very honest and very frank.
"I told him, straight to the point, I want kids, I can see myself as a mom at 30 years old and it happened," chika pa niya.
Ayon pa kay Joj, tinatawag muna nila ngayong "Baby Maddie" ang kanilang panganay dahil feeling nila made in New York ang sanggol.
Plano rin nilang magkaroon ng "gender reveal" very soon, "This is gonna be an exciting chapter for us. I can't wait to share more with you guys."
The post Joj Agpangan buntis na sa 1st baby nila ni Danny Fries: Made in New York! appeared first on Bandera.

No comments: