BREAKING NEWS

Jam Magno, Cherry White, iba pa kakasuhan dahil sa online sugal

Jam Magno, Cherry White, iba pa kakasuhan dahil sa online sugal

NAGLABAS ng pahayag ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paghahain ng mga kaso laban sa social media influencers na umano'y sumusuporta sa illegal online gambling, gaya nina Jam Magno, Cherry White, at iba pa.

Sa ginanap na joint press conference ng CICC, Philippine National Police (PNP-ACG), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Digital Pinoys nitong Miyerkules, March 4, isiniwalat ni CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso ang pormal na pagsusumite sa PNP-ACG ng mga dokumento para ireklamo ang mga naturang influencers.

Maliban kina Jam at Cherry, may walo pang social media personalities na pinangalanan sa naturang dokumento."Narito po tayo upang isumite ang bunga ng isang buwang masusing imbestigasyon, mga dokumentasyon na magsisilbing bala upang mapalakas ang ating mga kaso laban sa mga digital influencers na walang pakundangang nagpo-promote pa rin ng mga hindi regulated na gambling sites," lahad ni Paraiso.

Pagpapatuloy niya, "Ngayong araw, pormal nating ibibigay ang mga ito sa PNP-ACG para sa nararapat at mabilis na aksyon. Tapos na ang araw ng babala, oras na mapanagot sila."

Baka Bet Mo: Jam Magno kinasuhan ng cyber libel, kusang sumuko sa pulisya

"Nandiyan po si Perkz Gaming, Jam Magno, si Vic Desucatan, Wampipti, Princess Solomon, Norme Garcia, Cherry White, Girl Tapang Vlogs, Al Moralde, at Bemaks TV Fam," sabi naman ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo.

Na-endorse na rin daw sa Meta ang mga social media pages ng mga personalidad para ito ay ma-take down."So, ito pong top 10 influencers na 'to ay endorsed na rin po sa Meta for page takedown… and they are also endorsed already to PNP Anti-Cybercrime Group for case build-up," dagdag pa niya.

Ani Gustilo, magtutuloy-tuloy ang kanilang hakbang para masugbo ang mga ilegal na online gambling.

"We gave them a fair warning; we gave everyone a fair warning. Napakatagal na po itong kampanyang ito… napakatagal na ho ng babala pero hindi pa rin ho sila tumitigil. So, talaga hong kailangan ho we have to hurt them where it hurts the most 'no.""So, we are planning our next step kung papaano pa po i-intensify 'yon hong ating kampanya, siyempre with the help of CICC, PAGCOR, and PNP-ACG," pangako pa ni Gustilo.

Ibinahagi naman ng PAGCOR Senior Vice President for the Security and Monitoring Cluster na si Raul Villanueva kung paano ba maituturing na ilegal ang isang gambling site.

"'Yong illegal sites kasi, ito 'yong walang lisensya sa amin. 'Pag walang lisensya sa amin kung titingnan n'yo 'yong website namin, nasa website namin 'yong mga legal sites… 'yong lisensyado namin," sey ni Villanueva.

The post Jam Magno, Cherry White, iba pa kakasuhan dahil sa online sugal appeared first on Bandera.


Jam Magno, Cherry White, iba pa kakasuhan dahil sa online sugal Jam Magno, Cherry White, iba pa kakasuhan dahil sa online sugal Reviewed by pinoyako on March 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close