BREAKING NEWS

Angel Aquino sa mga pasabog ng ‘Batang Quiapo’: Parang di ka makahinga

Angel Aquino marami pang pasabog 'Batang Quiapo': Parang di ka makahinga

ITINURING na biggest achievement ng award-winning actress na si Angel Aquino ang karakter niyang Jackie Guerrerro sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" dahil napaka-challenging.

Halos lahat kasi ng karakter na ginampanan ni Angel ay mabait siya pero sa BQ ay kabaligtaran dahil ginamit niya ang kanyang charm para makuha niya ang lahat ng gusto niya na nangyari naman.

Para sa isang artista ay maituturing silang magaling kapag epektibo sila sa kanilang karakter kapag kinamuhian sila ng manonood at naging household name sila.

Sabi nga ni Angel, "Ako mako-consider kong biggest achievement, if I am able to portray my character well and also kung na-affect ko 'yung mga tao bilang si Jackie Guerrero at napakita ko sa kanila na 'yes, dapat kayong magalit sa mga tao tulad ni Jackie Guerrero at ng mga pamilya Guerrero."

Baka Bet Mo: Angel Aquino sa AI porno video: Nakakasuka!

Ang paliwanag ni Angel na kaya nagiging mahusay ang isang artista kapag okay ka-trabaho ang lahat ng co-actors niya, may collaborative environment ikan ga at nagsimula ito sa pamumuno ng aktor-direktor na si Coco Martin na aminadong mahirap itong ka-trabaho na inaamin din naman ito ni CM.

"Masarap siya katrabaho. Gusto ko 'yung proseso ni Coco. Na-appreciate ko at pinahahalagahan ko 'yung tiwalang binibigay niya sa aming mga artista," say ng aktres.

Binigyang-diin din ni Angel na ang mga proyekto tulad ng Batang Quiapo ay sumasalamin sa kanya dahil sa kanilang mas malalim na mensahe.

"Gusto ko dahil may social relevance at may puso ang lahat ng mga proyektong ginagawa niya," saad pa.

At sa nalalapit na pagtatapos ng "FPJ's Batang Quiapo" ay makakaasa raw ang manonood na hindi sila mabibitin sa makapigil hiningang matitinding aksyon na mapapakapit ka sa kinauupuan mo.

"Oh my God, what doesn't excite you? Nakita niyo na ba 'yung trailer? Grabe, 'di ba? At trailer lang 'yan. If you see the real thing, parang hindi ka na makahinga.

"Dire-diretso na talaga 'yung action, dire-diretso na 'yung lahat ng revelation. You really have to hold your breath and stay at the edge of your seat because everything is exciting, thrilling, and scary actually," kuwento ni Angel.

At bilang masama ang karakter ni Angel bilang si Jackie ay asahan nang pagbabayaran niya ito.

"Expect her to pay her dues. Kailangan bayaran ng mga masasamang tao ang lahat ng mga masasamang ginawa nila,"diin nito.

Naalalla ni Angel ang payo sa kanya ng mentor niya sa acting na si Ina Feleo ay, "Sabi niya, 'Don't judge your character.' She's a person different from you."

Inamin ni Angel na hindi niya gustong maging Jackie Guerrero dahil ang layo nito sa tunay niyang pagkatao.

"Hindi ko siya gusto. I don't want to be a Jackie Guerrero. Pero dahil inatasan ako na bigyan ng buhay si Jackie Guerrero, kailangan gawin ko 'yun sa abot ng aking makakaya," pahayag ng aktres.

Dagdag pa, "I had to think like her ano ba 'yung importante sa kanya, ano ba 'yung mahalaga sa kanya, at ano ba yung mga minamahal niya  I hope that I was able to give humanity to somebody as greedy as Jackie Guerrero."

Anyway, mapapanood ang FPJ's Batang Quiapo sa Kapamilya channels at ALLTV2.

The post Angel Aquino sa mga pasabog ng 'Batang Quiapo': Parang di ka makahinga appeared first on Bandera.


Angel Aquino sa mga pasabog ng ‘Batang Quiapo’: Parang di ka makahinga Angel Aquino sa mga pasabog ng ‘Batang Quiapo’: Parang di ka makahinga Reviewed by pinoyako on March 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close