Working class, middle class sasakupin na ng zero balance coverage

PALALAWAKIN pa ng Department of Health (DOH) ang zero balance billing coverage sa mga ospital sa bansa.
Isasama na rito ang mga manggagawa na may kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na maglalabas sila ng bagong polisiya para sa makasama sa zero balance billing coverage ang mga empleyado na nasa middle-class.
"Ito yung mga nakakaltasan sa kanilang mga sweldo ng premium at sabi nila isasama mo rin ba kami sa mga basic accommodation," ayon sa kalihim.
Ang bagong hakbang ay ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., base sa apila ng middle-class workers na maisama din sila sa sakop ng zero balance billing.
Sinabi pa ni Herbosa na maglalaan sa lahat ng DOH hospitals ng "special areas" o kwarto para sa mga hihiling ng "zero balance billing" at para na lubos na maramdaman nila ang mga dagdag benepisyo ng pagiging Philhealth member.
The post Working class, middle class sasakupin na ng zero balance coverage appeared first on Bandera.

No comments: