Higit 70 pulis-BARMM sibak sa hazing ng 128 police recruits sa Basilan

TINANGGAL sa posisyon ang higit 70 na pulis sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa umano'y kaso ng hazing sa higit 120 na police recruits sa Basilan.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson, Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga sinibak na pulis ay mula sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 14-B ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).
"Tinanggal na ang lahat ng miyembro ng 14-B ng Regional Mobile Force Battalion at sila ay pinalitan o hinanlilihan ng miyembro ng 14-A.
"So lahat sila, 70 plus, sila lahat ngayon ay administratively relieved," sabi ni Tuaño.
Kabilang sa mga inalis ay 12 na non-commissioned officers matapos positibong ituro ng mga biktima na kabilang sa mga nanakit sa kanila.
Unang isang police recruit ang nagreklamo, sumunod ang 17 pa sa kanyang mga kaklase bago lumutang na rin ang 110 pa sa mga recruits.
Ayon pa kay Tuaño sinuntok, sinampal at pinalo ng batuta ang mga recruit.
Inilipat pansamantala ang mga sangkot na pulis sa PRO-BAR Holding and Accounting Unit sa Parang, Maguindanao del Norte habang iniimbestigahan sila sa posibleng paglabag sa Anti-Hazing Act (RA 11053).
The post Higit 70 pulis-BARMM sibak sa hazing ng 128 police recruits sa Basilan appeared first on Bandera.

No comments: