BREAKING NEWS

Bong Revilla inudyukang magtago na lang para takasan ang mga kaso, pero…

Bong Revilla inudyukang magtago na lang pero mas piniling sumuko
Lani Mercado at Bong Revilla

INILANTAD ni Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado na maraming nagpapayo sa asawang si dating Sen. Bong Revilla, Jr. na magtago na lang sa gitna ng kinakaharap na mga kaso.

Nakakulong ngayon ang aktor at dating public servant dahil sa pagkakasangkot umano niya sa mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inamin ni Lani na inuudyukan si Bong na magtago na lamang sa batas ngunit mas pinili pa rin nitong sumuko at harapin ang mga ibinibintang sa kanyang mga kaso.

"Maraming humihimok sa kanya na huwag sumuko, na iwasan ang mga batikos, na iwasan ang mga akusasyon.

"Marami ang nag-udyok sa kanya na magtago ngunit hinarap ni Bong nang taas noo at buong tapang, sumuko sa awtoridad," ang sabi ng aktres at politiko sa ecumenical prayer rally for truth and justice kahapon, February 8, sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

Naroon din ang mga anak ng mag-asawang Revilla sina Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla, Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, at Cavite Vice Governor Ram Revilla Bautista.

Pagpapatuloy ng kongresista, "Hinarap niya sa kabila ng sakit at malaking sakripisyo. Sinuko niya ang kanyang dignidad pagkat buo sa kanyang loob na wala siyang kasalanan. 

"Naniniwala siya na kakampi niya ang katotohanan," ang mariin pang sabi ni Lani. 

Sabi pa ng aktres, napakabigat ng pinagdaraanan ngayon ng kanilang pamilya dahil sa nangyari kay Bong Revilla. 

Kinasuhan ng graft at malversation ng Office of the Ombudsman si Revilla at anim na iba pang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office dahil sa umano'y P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

January 19 nang sumuko si Revilla sa mga otoridad nang mapag-alaman na naglabas na ng warrant of arrest at hold departure order ang Sandiganbayan laban sa kanya.

The post Bong Revilla inudyukang magtago na lang para takasan ang mga kaso, pero… appeared first on Bandera.


Bong Revilla inudyukang magtago na lang para takasan ang mga kaso, pero… Bong Revilla inudyukang magtago na lang para takasan ang mga kaso, pero… Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close