BREAKING NEWS

Jiro Manio nagbenta uli ng trophy kay Boss Toyo, kumagat kaya sa P500,000?

Jiro Manio nagbenta uli ng trophy kay Boss Toyo, kumagat kaya sa P500,000?
Jiro Manio at Boss Toyo

MULING nagbenta ng acting trophy ang dating child star na si Jiro Manio sa memorabilia collector at negosyanteng si Boss Toyo.

Unang nagtungo si Jiro sa studio ni Boss Toyo two years ago at ibinenta nga ang kanyang Gawad Urian Best Actor trophy sa halagang P75,000. 

Napanalunan ng aktor ang naturang award noong 2004 sa edad na 12 para sa natatanging performance niya sa pelikulang "Magnifico" na ipinalabas noong 2003. 

At ngayon nga, muling nagtungo si Jiro sa studio ni Boss Toyo para ibenta ang isa pa niyang award, ang kauna-unahan niyang Best Child Actor trophy para sa pelikulang "Bagong Buwan."

Mapapanood ang pagbebenta ng aktor sa kanyang tropeo sa "Pinoy Pawnstars" YouTube channel ni Boss Toyo na may titulong "PP Stars Inc. S2 Ep.60 – Ang Follow up ni Jiro Manio!!" 

Kinumusta muna ng content creator si Jiro bago magsimula ang bentahan, "Okay lang. Relax lang sa bahay pero wala pa ring trabaho. May mga kumukuha sa aking guesting at saka mga raket, pero pag sa mainstream nahihirapan pa talaga ako. 

"Kailangan ko pa talaga ng recovery. Kailangan kong bumawi pa sa sarili ko, eh. Kasi grabe 'yung pagod na inabot ko," ang pahayag ni Jiro.

Ayon sa dating child star, napakahalaga ng kanyang first-ever Best Child Actor award dahil bukod sa pagkapanalo niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nakasama rin niya sa movie sina Cesar Montano at Carlo Aquino.

"Trademark ito ng movie namin nu'ng 2002, ng pelikulang Bagong Buwan. Tungkol sa Muslim at sa Kristiyano. Naggiyera ng 2002. 

"Bata pa ako nito, eight years old. Kasi 'yung sa Magnifico, nasa history yan na nanalo ako ng Best Actor, pinakabata. Pero ito 'yung pinakatumatak sa mga tao kasi pinakaunang award ko kasi ito," sabi niya kay Boss Toyo. 

Unang presyo na ibinigay ni Jiro para sa naturang trophy ay P500,000, "Kasi Boss, sa totoo lang, ay hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, ang tagal kong nawala sa showbiz, 'di ba? 

"Aminin ko na, naghirap din ako. Nawalan ako ng income, nawalan ako ng business, nawalan ako ng mga contact. 

"So hanggang ngayon bumabawi ako sa recovery ko. Hirap na hirap ako. Guesting tinatanggap ko kahit na magkano, magka-project lang ako," pag-amin ni Jiro na patuloy na nabubuhay nang malayo sa bisyo.

Matapos ang tawaran, nagkasara sila sa halagan P75,000. Sey pa ni Jiro, marami pa raw siyang trophy sa bahay na lahat ay mahalaga para sa kanya.

Sa isang interview, sinabi ni Jiro nagtatrabaho siya bilang volunteer counselor sa Department of Health Treatment and Rehabilitation Center sa Bataan. 

The post Jiro Manio nagbenta uli ng trophy kay Boss Toyo, kumagat kaya sa P500,000? appeared first on Bandera.


Jiro Manio nagbenta uli ng trophy kay Boss Toyo, kumagat kaya sa P500,000? Jiro Manio nagbenta uli ng trophy kay Boss Toyo, kumagat kaya sa P500,000? Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close