Kris Aquino ibinunyag palitan nila ng text ni P-Noy habang tinitira ng bashers

BINALIKAN ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang panahong halos ipako na sa krus ang yumao niyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa kanyang Instagram page, nag-post ang TV host-actress ngayong araw, February 9, upang alalahanin ang ika-66 kaarawan ni P-Noy kahapon, February 8.
Ibinahagi ni Kris ang palitan nila ng text message ng kapatid noong panahong "brutally crucified" daw ito sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.
Kasabay din nito ang pagse-share niya ng updates abour her health condition at ang paglipat nila sa bagong bahay, matapos siyang ma-discharge sa ospital.
Ayon kay Kris, pinayuhan daw niya noon ang kanyang kuya na ipagtanggol naman ang sarili mula sa bashers na bumabatikos sa kanya sa social media.
"The actions of two men shall remain unwritten because yesterday would have been the 66th birthday of my brother, my only Kuya, Benigno S. Aquino III," pahayag ni Kris.
"We once had a text message exchange during a time when he was being so brutally crucified on social media.
"I can remember so clearly his reply to me when I said: 'You're being beaten up so badly. Defend yourself—it's so unfair. This mess is not your fault. You don't have to be the silent leader all the time because you have a legacy of many achievements to protect,'" ang advice raw niya sa dating presidente.
Ang sagot daw ni P-Noy sa kanya, "Kristina, please learn to relax and leave everything up to the One above. My conscience is clear, and I can still sleep peacefully.
"Matulog ka na, and please, 'wag kang pumatol.' Less talk, the sooner this will die down. If you talk, you will just fan the flames, and who will be the happiest? Our enemies.
"Our birthdays are coming—let's have peaceful ones," ang mensahe pa sa kanya ni P-Noy.
Samantala, nangako naman si Kris na ibabahagi niya ang mahahalagang detalye tungkol sa kanyang mga karamdaman sa pinaplanong video podcast.
The post Kris Aquino ibinunyag palitan nila ng text ni P-Noy habang tinitira ng bashers appeared first on Bandera.

No comments: