BREAKING NEWS

Vice Ganda, Ogie, Janno, Ice join sa 40th EDSA People Power 1 anniv

Vice Ganda, Ogie, Janno, Ice join sa 40th EDSA People Power 1 anniv
Ogie Alcasid, Vice Ganda, Janno Giibs at Ice Seguerra

ISANG Banal na Misa at star-studded concert ang magbubukas sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power 1.

Ilan sa mga nangungunang artista at musikero ng bansa ang magtatanghal sa People Power 40 Kick-Off Concert na pinamagatang "Awit at Aksyon Kontra Korapsyon" na gaganapin sa Pebrero 21 sa Quezon Memorial Circle.

Inaasahang magpe-perform sa concert na inorganisa ng Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya Natin! sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Rivermaya, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Pio Balbuena, Morobeats, Elmo at Arkin Magalona, Chelsea Alley, at Over October.

Magdaragdag naman ng kulay sa selebrasyon sina Unkabogable Star Vice Ganda, stand-up comedians Alex Calleja at Red Ollero, gayundin sina Iza Calzado, Bea Binene, at DJ JhaiHo.

Higit pa sa pagbibigay ng saya, layon ng konsiyerto na muling ipakilala sa bagong henerasyon ng mga Pilipino ang diwa ng mapayapang rebolusyon, at buhayin muli ang pagkakaisa, tapang, at paninindigang nagbunsod sa pagpapanumbalik ng demokrasya ng bansa noong 1986.

Magpapatuloy ang paggunita kinabukasan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa at Prayer Rally sa EDSA Shrine alas-12 ng tanghali, na pangungunahan ni Cardinal Ambo David.

Tatapusin ito ng ika-40 anibersaryong pagdiriwang na pangungunahan ng Tindig Pilipinas at Trillion Peso March Movement sa Pebrero 25 sa People Power Monument.

The post Vice Ganda, Ogie, Janno, Ice join sa 40th EDSA People Power 1 anniv appeared first on Bandera.


Vice Ganda, Ogie, Janno, Ice join sa 40th EDSA People Power 1 anniv Vice Ganda, Ogie, Janno, Ice join sa 40th EDSA People Power 1 anniv Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close