BREAKING NEWS

Shuvee Etrata nilaglag ni Ashley Ortega: Burara at makalat siyang tao

Shuvee Etrata nilaglag ni Ashley Ortega: Burara at makalat siyang tao
Ashley Ortega at Shuvee Etrata

NAKAKALOKA ang mga rebelasyon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega patungkol sa BFF niyang si Shuvee Etrata!

Ibinuking kasi niya nang bonggang-bongga ang pagiging burara ni Shuvee sa ilang kagamitan kapag daw nasa bahay sila.

Sa mga hindi pa aware, real-life housemate sina Ashley at Shuvee na lumipat sa bago at medyo mas malaki nilang bahay last year lamang.

Sa guesting ni Ashley sa "Your Honor" video podcast hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar, naikuwento ng ng aktres ang dynamics nila ng kaibigan bilang housemates.

Sa session ng programa na tinawag na "In Aid of Adulting: Signs na Hindi ka na Bata. Shookt si Ashley Ortega" ay nag-open up nga ang dalaga patungkol kay Shuvee.

Aniya, hindi naging madali ang buhay nila ni Shuvee bilang housemates lalo't pareho silang naging super busy nitong mga nagdaang taon.

Lahat daw ng gawaing bahay ay sila ang nag-aasikaso lalo't na wala rin daw silang helper o kasambahay.

"Siguro naging busy lang kami ni Shuvee, wala kasi kaming helper. Kaya nga sometimes, gusto ko na lang na sana may cook, pero wala. 

"Hindi na rin namin naluluto lahat ng pagkain, parang on the go talaga, kasi kami lagi. So 'yun 'yung mahirap, I'm still in the process na to figure things out na 'yung sa food," simulang pagbabahagi ni Ashley.

Natanong siya ni Chariz, "Yung paglilinis ng bahay. Paano toka n'yo ni Shuvee?"

"Actually, 'yan I clean my own underwear, bra. 'Yung laundry, may laundry na malapit. Ako, naglilinis ako. Si Shuvee love ko si Shuvee, tanggap ko na talaga na burara siya at makalat siyang tao," natawang panglalaglag ng aktres kay Shuvee na nagkasama rin noon sa "PBB Celebrity Collab Edition" season 1.

"Hindi, totoo talaga! Du'n kami nag-aaway," ang hirit pa niya habang tumatawa na ikinahagalpak din nina Chariz at Buboy.

Pagpapatuloy pa niya, "Nagkaroon na kami ng one major fight, nu'ng nandu'n pa lang kami sa San Juan nu'ng nasa condo kami, hindi kami nag-aaway du'n, e. 

"Parang, three BR (bedroom) yun. Isang room sa kanya, isang room sa akin, tapos isang room ginawa namin walk-in closet. 

"Ito 'yung pa before pa ng PBB, nu'ng after PBB kasi nagtuluy-tuloy 'yung work namin. Tapos, parang bigla na lang dumami (mga gamit), 'yung condo namin parang naging warehouse ganu'n," ani Ashley.

Ito ang dahilan kung bakit sila nagdesisyon na lumipat na ng mas malaking tirahan.

"Tapos, wala pa kaming helper tapos umuuwi kami madaling araw, so, tambak na lang 'yung mga gamit. 

"Tapos, sabi ko, 'Shocks! I can't have a peaceful moment if uuwi ako ng bahay tapos parang bodega.' So, sabi ko babe (Shuvee) let's transfer into a new place. 

"And then 'yun nga, may kaniya-kaniyang floor na kami. So sabi ko sa floor niya, magkalat siya dun ng lahat ng kalat. 

"Hindi ko siya pakikialaman, kaya siya du'n sa pinakataas actually para hindi ko makita 'yung mga kalat niya. Pero make sure sa living and sa dining malinis," natatawa pang chika ni Ashley.

The post Shuvee Etrata nilaglag ni Ashley Ortega: Burara at makalat siyang tao appeared first on Bandera.


Shuvee Etrata nilaglag ni Ashley Ortega: Burara at makalat siyang tao Shuvee Etrata nilaglag ni Ashley Ortega: Burara at makalat siyang tao Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close