Sylvia Sanchez ayaw nang sumawsaw: I love John Lloyd, mahal ko rin si Robi!

AYAW nang makisawsaw pa ng award-winning actress at producer na si Sylvia Sanchez sa naging isyu sa pagitan nina Robi Domingo at John Lloyd Cruz.
Ito yung nangyaring confrontation umano sa pagitan nina Robi at Lloydie sa wedding reception ng kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong December, 2025.
Balitang nagkainitan ang dalawa dahil hindi raw nagustuhan ni John Lloyd ang birong hirit ni Robi kina Ria at Zanjoe sa harap ng mga bisita.
Si Robi kasi ang nagsilbing host sa reception ng kasal ng celebrity couple at ang chikang lumabas, muntik na raw magsuntukan ang dalawa.
Kaya naman natanong si Sylvia tungkol dito nang makachikahan ng ilang members ng media sa contract signing ng mga bagong talent ng Nathan Studios Artists Management recently.
Pero agad na umiwas ang award-winning actres, at paulit-ulit ja nag-dialogue ng, "Hanggang diyan na lang kayo."
Sinagot naman ni Ibyang ang tanong kung okay pa rin sa kanya sina John Lloyd at Robi after what happened.
"I love Lloydie, oo! I love him so much. Oo. Hanggang du'n na lang. Anak ko si Lloydie at hindi mawawala yun.
"Mahal ko rin si Robi. Kung ano man yun, hanggang diyan lang kayo," ang natatawang sey pa ng aktres at producer.
Samantala, nahahati at nababalanse naman ni Syvia ang kanyang panahon sa kanyang mga responsibilidad bilang producer, wifey, nanay at lola ng nag-iisa niyang apo kina Ria at Zanjoe.
"Time management pa rin, e. Marunong pa rin akong mag-manage sa ganu'n," ani Sylvia.
Sumusumpa si Ibyang na hindi niya pinakikialaman ang pagpapalaki nina Ria at Zanjoe sa panganay nilang anak.
"Ngayon, sina Ria, meron silang sariling buhay, sila ni Z. Hindi ko puwedeng kunin yung anak nila maya-maya. Kasi nasa kanila yun, e.
"Kapag nasa amin lang, halimbawa nahiram namin o pupuntahan namin, yun lang yun pag weekend.
"Ayokong pakialaman yung pagpapalaki nila sa anak nila. Ayokong pasukin na ako ang masusunod, hindi!
"Sila ang nanay at tatay, sila ang mag-alaga. Alam mo yun? So ang sa akin, pag may time, Sunday lang, makikita ko. Yun lang.
"Respeto ko yun sa mag-asawa. Hindi ko puwedeng pangunahan ang mag-asawa dahil anak nila yun," pahayag pa ni Sylvia Sanchez.
The post Sylvia Sanchez ayaw nang sumawsaw: I love John Lloyd, mahal ko rin si Robi! appeared first on Bandera.

No comments: