BREAKING NEWS

Kim Molina nagselos nang todo sa sex scene nina Jerald at Sunshine Guimary

Kim Molina nagselos nang todo sa sex scene nina Jerald at Sunshine Guimary
Sunshine Guimary, Jerald Napoles at Kim Molina

INATAKE ng matinding selos si Kim Molina nang magtambal sa isang sexy movie ang fiancé niyang si Jerald Napoles at Sunshine Guimary.

Ibinuking ni Jerald ang tungkol dito sa naganap na mediacon ng bago nilang pelikula ni Kim, ang Pinoy version ng South Korean film na "Wonderful Nightmare."

Kuwento ng aktor, selos na selos daw si Kim kay Sunshine habang ginagawa nila ang pelikulang "Kaka" ng Viva Films noong 2021, na kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

"Kasama ko si Sunshine Guimary. Taliwas ang pakiramdam ko dahil medyo nag-aaway kami ni Kim noon," ang pag-amin ni Jerald.

Pagpapatuloy niya, "Hindi kasi siya komportable sa premise ng pelikula at sa mga gagawin ko, which is natural naman sa mga karamihan na girlfriend at boyfriend o sa mag-asawang artista.

"Siyempre, kapag naka-hotpick yung emotions ni Kim, kahit anong sabihin ko na pagdedepensa sa sarili or pangako, hindi natin mapa-flatten out yung emosyon na iyon," lahad ni Jerald. 

"Habang nagsu-shoot ako, e, pandemic pa, naka-lock in pa. Naku, lalong kumukulo yung tubig sa bahay!

"May ganoon po na tensiyon habang nagsu-shoot ako ng intimate scenes and everything with the leading lady," saad pa ng aktor kung saan pinaalala pa niya na siya talaga ang nagsimula noon ng Vivamax.

Aminado naman si Kim sa pagseselos niya noon pero sa ngayon daw ay nagbago na ang pananaw niya pagdating sa pagtatrabaho sa mundo ng showbiz.

"Katulad nu'ng ginawa niya yung Kaka. Dati meron akong, 'Bakit ganoon? Bakit siya may bed scene?' Artista yung dyowa mo, e! Hello, huwag ka nang maging choosy. At least, may work kayo.

"Nagbago na rin po ang pananaw ko when it comes to that. So if ever he would want to do another movie like that, go!" aniya pa.

Ikakasal na ang KimJe sa darating na Marso at isa raw itong destination wedding pero ayaw na munang magdetalye ng magdyowa hinggil dito.

The post Kim Molina nagselos nang todo sa sex scene nina Jerald at Sunshine Guimary appeared first on Bandera.


Kim Molina nagselos nang todo sa sex scene nina Jerald at Sunshine Guimary Kim Molina nagselos nang todo sa sex scene nina Jerald at Sunshine Guimary Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close