BREAKING NEWS

Jodi Sta. Maria sa sweet photos nina Iwa at Pampi sa V-Day: Ready na gown ko!

Jodi Sta. Maria sa sweet photos nina Iwa at Pampi  sa V-Day: Ready na gown ko!
Pampi Lacson, Iwa Moto at Jodi Sta. Maria

PAK na pak ang hirit ni Jodi Sta. Maria sa advance Valentine greeting ni Iwa Moto para sa kanyang partner na si Pampi Lacson.

Nag-post kasi si Iwa sa kanyang Instagram account ng dalawang sweet photos nila ni Pampi na pinusuan at ni-like ng kanyang mga followers.

Sey ng dating Kapuso actress,  sweet daw siya ngayon kay Pampi dahil malapit na ang Valentine's Day.

"The man who owns my heart. The father of my children. The love of my life….sweet ako mahal kasi malapit na valentines. 

"After valentines d na tayo bati uli…hahaha. I love you mahal @iampampi," ang bahagi ng caption ni Iwa sa IG pictures nila ni Pampi.

"Kidding aside i love you mahal. To infinity and beyond," ang pahabol pang mensahe ni Iwa.

Sa comments section ng naturang post mababasa nga ang naging reaksyon ni Jodi, "Sweet nyo…ready na ang gown ko ha?" Na ang tinutukoy ay ang pagpapakasal nina Iwa at Pampi.

Simagot naman ni Iwa si Jodi ng,  "@jodistamaria huyyy wala pa amor…alam mo naman ikaw ang isa sa mga mauunang makakaalam."

Dating asawa ni Jodi si Pampi kung saan nagkaroon sila ng isang anak, si Thirdy Lacson. Si Iwa naman ang kasalukuyang partner ni Pampi at biniyayaan sila ng dalawang anak. 

The post Jodi Sta. Maria sa sweet photos nina Iwa at Pampi sa V-Day: Ready na gown ko! appeared first on Bandera.


Jodi Sta. Maria sa sweet photos nina Iwa at Pampi sa V-Day: Ready na gown ko! Jodi Sta. Maria sa sweet photos nina Iwa at Pampi sa V-Day: Ready na gown ko! Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close