Tuesday Vargas tinawag na ‘laos’ nang manawagang bigyan ng work

NAGPAKATOTOO ang host-comedienne na si Tuesday Vargas sa paglalantad tungkol sa estado ng showbiz career niya ngayon.
Nanawagan kasi ang komedyana sa mga kaibigan niyang writer, producer at director na sana'y mabigyan siya ng trabaho.
Nag-post ng message si Tuesday sa kanyang Facebook page kahapon, February 7, kung saan proud niyang ibinandera na masipag siyang magtrabaho.
"I am a diligent worker and I'd like to believe that I am a good and versatile artist. Please hire me po. Promise pag huhusayan ko po. Salamat po," simulang panawagan ng aktres at singer.
Sa isa pa niyang FB post mababasa ang kanyang post na, "Wala pong role na maliit at wala din pong role na mahirap.
"Kaya ko po yan, subukan nyo po akong i hire at gagawin ko ang aking best. Salamat po!" paniniguro pa ni Tuesday.
May mga humanga sa pagiging honest ng aktres sa takbo ng kanyang career ngayon pero meron ding nambasag sa kanya.
Ilang netizens ang nagkomento na laos na raw kasi siya kaya nagmamakaawa na siya na mabigyan ng projects.
Sinagot naman sila ng komedyana, "Please lang po, maayos naman akong nagpo-promote ng aking services at wala naman akong tinatapakan na tao kaya wag naman kayong ganyan.
"May ipon naman ako pero nanay po ako at gusto kong may tuloy-tuloy akong pang buhay sa pamilya ko dahil nga nawalan ako ng show.
"Ganu'n sa showbiz, minsan mabilis ang turnover at walang warning," katwiran pa niya.
Hirit pa niya sa mga natatanggap na hate comments, "Respect the hustle, guys. Wag naman kayong nega."
The post Tuesday Vargas tinawag na 'laos' nang manawagang bigyan ng work appeared first on Bandera.

No comments: