BREAKING NEWS

Bea Alonzo balik-teleserye ngayong 2026, may konek sa pinagdaraanan ng Pinas

Bea Alonzo balik-teleserye ngayong 2026, mas matapang, mas palaban
Bea Alonzo

MAKALIPAS ang isang taong pamamahinga sa telebisyon, handa na uling humataw sa paggawa ng serye ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

Yes! Ngayong 2026 ay muli ngang mapapanood si Bea sa GMA 7 para sa isang kakaiba at bonggang-bonggang project na siguradong ikagugulat muli ng mga fans.

"I'm going back to TV after a year of hiatus. I'm going to start doing a soap, very, very soon, still with GMA," ang pahayag ng premyadong aktres sa panayam ng media. 

Wala pang ibinigay na mga detalye ang aktres tungkol sa bago niyang acting project sa Kapuso Network pero inilarawan niya ang role niya rito bilang "brave," at "very relevant today."

"It's something really brave. It's something I've never done before because…let me say it's very timely sa pinagdaraanan ng bansa natin," patikim pa ni Bea.

Huling napanood ang Kapuso star sa suspense-drama na "Widows' War" na umere sa GMA Prime mula July, 2024 hanggang January, 2025. Nakasama niya rito si Carla Abellana.

The post Bea Alonzo balik-teleserye ngayong 2026, may konek sa pinagdaraanan ng Pinas appeared first on Bandera.


Bea Alonzo balik-teleserye ngayong 2026, may konek sa pinagdaraanan ng Pinas Bea Alonzo balik-teleserye ngayong 2026, may konek sa pinagdaraanan ng Pinas Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close