BREAKING NEWS

Kylie Padilla nakipag-dinner kina Aljur at AJ Raval pero hiwalay ang table

Kylie Padilla nakipag-dinner kina Aljur at AJ Raval pero hiwalay ang table
Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval kasama ang kani-kanilang mga anak

AKSIDENTENG nagkita-kita sina Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval sa isang public place kamakailan kasama ang kanilang mga anak.

In fairness, hinihintay daw talaga ng Kapuso actress ang pagkakataong yun kaya naman feeling happy siya nang finally ay nangyari na nga ang  kanilang pagkikita-kita.

Sa pagbisita ni Kylie sa "Fast Talk With Boy Abunda" kasama ang mga kapwa Sang'gre ng "Encantadia" na sina Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Gabbi Garcia, ay napag-usapan nga ang tungkol dito.

Sa third anniversary special ng programa, binalikan ni Tito Boy ang pag-amin ni AJ sa publiko tungkol sa mga anak nila ni Aljur.

Tanong ng King of Talk kay Kylie kung paano na ngayon ang dynamics ng co-parenting nila ni Aljur sa dalawa nilang anak matapos ang rebelasyon ni AJ.

"Actually, alam mo after that Tito Boy, nagkita kami by accident, all of us. Hinihintay ko ngang lumabas 'yung picture ang daming nagpi-picture nu'n, eh," simulang pagbabahagi ni Kylie.

"Ang saya lang kasi I was waiting for that to happen, kasi it's bound to happen. And when it did, our kids played together and then we had dinner together. Ang saya lang," aniya pa.

Pero nakahiwalay daw siya ng mesa kina Aljur at AJ, kasama ang kanilang mga anak, "I let them…nandito ako sa isang table, nandu'n sila.

"Pero pinili ko naman kasi 'yun. I let them have their time," saad pa ng aktres.

Sey pa ng anak ni Sen. Robin Padilla, si Aljur daw mismo ang nag-invite na mag-dinner silang tatlo nina AJ kasama ang mga bata.

"Si Aljur 'yung nagtanong 'Can we have dinner together? Kasi gusto ko makasama 'yung mga bata.' I'm like, 'I'm like, sure, sure,'" sey ni Kylie. 

"May table sila, nandu'n sila. Nandito ako, binubuo ko 'yung Lego ni Alas," dagdag pa niya.

Hirit na biro naman ni Gabbi kay Kylie, "Sana tinawagan mo kami."

Sey uli ni Kylie, "Pero I respect their time kasi. And I don't wanna step on anything, you know. I'm just trying to be, 'Have your time.' I love to see them happy. And then, okay build (ng Lego)."

"Pero masaya, masaya. Maybe it was for the better talaga. Like I said in my statement. Mahirap 'yung nagsisikreto ka. Lalo na para sa mga bata. May tinatago, ayoko, ayoko," dagdag pa ng celebrity mom.

The post Kylie Padilla nakipag-dinner kina Aljur at AJ Raval pero hiwalay ang table appeared first on Bandera.


Kylie Padilla nakipag-dinner kina Aljur at AJ Raval pero hiwalay ang table Kylie Padilla nakipag-dinner kina Aljur at AJ Raval pero hiwalay ang table Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close