BREAKING NEWS

Neri Miranda sa 50th b-day ni Chito: Pwede ka na talagang maging pastor

Neri Miranda sa 50th b-day ni Chito: Pwede ka na talagang maging pastor
Chito Miranda at Neri Miranda kasama ang mga anak

NAGBIGAY ng pa-tribute ang hindi na aktibong aktres at negosyanteng si Neri Miranda para sa kanyang mister na si Chito Miranda.

Ito'y para sa selebrasyon ng ika-50 kaarawan ng OPM icon at Parokya ni Edgar frontman nitong nagdaang February 7.

Nag-post ng mahabang birthday message si Neri sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato ng handwritten letter ni Chito para sa kanya.

"To my spiritual adviser, my partner, my husband, my savior… happy 50th birthday! 

"Wow! 50 ka na! Hindi halata ah. Mukha ka pa ring 49! Haha!" simulang caption ni Neri sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, "Gusto ko sana ilagay ang 50 things I love about you… pero nung chineck ko yung listahan ko, lagpas na pala. Naka-51 ako! Ang corny ko, sorry na. 

"Gusto ko lang sabihin sa buong mundo kung gaano ka kabuting tao. Ang daming nagmamahal sa'yo… hindi lang dahil ikaw si Chito Miranda ng Parokya, kundi dahil ikaw si Chito Miranda na may mabuting puso. (Minsan masungit, oo, pero mahal pa rin namin. Hehe!). 

"Alam ng buong pamilya mo, ng mga kaibigan mo, at lahat ng mga nakatrabaho mo kung gaano ka maaasahan at kung gaano ka ka-fair sa lahat," mensahe pa ng wais na misis kay Chito.

"Nakakaproud na ikaw ang asawa ko. At alam ko na sobrang proud din ang mga bata na ikaw ang tatay nila. 

"Sa mga kaibigan natin, ang tawag nila sa'yo, "Attorney." Kase kaya mong mag-explain ng lahat ng sides ng every situation… walang kinikilingan, laging patas, at laging may malasakit sa payo. 

"At ako naman, ikaw ang spiritual adviser ko. Hindi man halata na sobrang lakas ng pananalig mo kay Lord, pero konting-konti na lang, pwede ka na talagang maging pastor… pramis! Haha! 

"Sa tuwing napapahinto ako, sa tuwing handa na akong sumuko sa buhay, andiyan ka lang sa tabi ko. Hinahawakan mo ang mga kamay ko, nagpe-pray ka sa tabi ko, at ipinaaalala mo sa akin na hindi tayo iniiwan ni Lord. 

"Lagi mong sinasabi na kung ano man ang problemang binibigay Niya, may dahilan… para mas maunawaan natin ang tunay na kahulugan ng pananampalataya. Maaaring hindi natin maintindihan ngayon, pero laging may plano si Lord. 

"Mahirap man intindihin lalo na kapag bagsak na bagsak na ako, ikaw ang ginamit Niyang instrument para hindi mawala ang faith ko sa Kanya. 

"Happy Birthday, Dad. 

"Everyday, kami ng mga anak mo ay nagpapasalamat kay Lord dahil ibinigay ka Niya sa amin. 

"Sobrang swerte namin dahil araw-araw, pinaparamdam mo kung gaano mo kami kamahal at kung gaano kami kaimportante sa buhay mo. Kami ang priority mo.

"You are the best husband and the best dad! 

"Mahal na mahal ka namin." 

The post Neri Miranda sa 50th b-day ni Chito: Pwede ka na talagang maging pastor appeared first on Bandera.


Neri Miranda sa 50th b-day ni Chito: Pwede ka na talagang maging pastor Neri Miranda sa 50th b-day ni Chito: Pwede ka na talagang maging pastor Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close