Anak nina Anne Curtis, Erwan Heussaff na si Dahlia humihingi na ng kapatid

NAGHAHANAP at nanghihingi na raw ng kapatid ang panganay na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia.
Palagi na raw itong nagtatanong sa kanyang celebrity parents kung kailan siya magkakaroon ng baby sister or baby brother.
Kuwento ni Anne sa guesting niya sa third anniversary special ng "Fast Talk with Boy Abunda", feeling niya natural lamang sa isang batang tulad ni Dahlia ang humiling ng kapatid.
"Yes. She wants it. Of course, I think for any child. So far, sabi niya gusto niya," ang pahayag ni Anne.
Natanong naman ni Tito Boy kung paano nila sinasagot ni Erwan si Dahlia kapag nangungulit na sa kanila na gusto na nitong magkaroon ng kapatid.
Tugon ni Anne, "I always say, maybe one day if God blesses us with it, then why not, right?"
Samantala, shookt naman si Anne sa chikang may nagsasabi na sila raw ni Erwan ang "power couple" na tinutukoy sa viral blind item na malapit na raw maghiwalay dahil sa pagtsi-cheat ng husband.
"I didn't know. I knew the issue, pero I didn't know we were part of this. Ang taray naman ng power couple. I don't know if I would consider Erwan and I a power couple but thank you for considering us," sey ni Anne.
Dagdag ng TV host-actress, "I still live by that same motto I came up with years ago; Learn the art of dedma.
"And don't stress about it because I feel like when you stress about things, and I'm speaking from experience, sometimes, it manifests in your body. So why would you do that to yourself?" saad pa ng aktres.
The post Anak nina Anne Curtis, Erwan Heussaff na si Dahlia humihingi na ng kapatid appeared first on Bandera.

No comments: