ChiKapalaran (February 9-15, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

LUNES na naman mga Ka-BANDERA! How's February so far? Nakabawi na ba lahat sa mga ginastos nitong nagdaang holiday season o puro utang pa rin?
Well, well, well! Kung anuman ang mga nangyari last week, move on na agad para mas maging maganda at productive ang pasok ng mga susunod na araw para sa 'yo.
Narito pa rin naman ang inyong resident charotera na magbibigay kulay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay kaya read mo muna ang ChiKapalaran mo ngayong linggo.
ARIES (March 21-April 19)
Uy, friendship iwas muna sa pagiging matapang at palaban. Isapuso ang kasabihang choose your battles.
Hindi makabubuti sa 'yo ang pakikialam sa away ng BFF mo. Hayaan mong siya ang makipaglaban sa sarili niyang giyera para malaman niyang mali ang mga diskarte niya sa buhay.
Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 4 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Nakakaloka ka! Kitang-kita mo na ang nagmumurang red flags sa dyowa mo pero dedma ka pa rin.
Huwag mo nang hintayin na magsisi ka sa ending besh! Layasan mo na ang toxic na relasyon at pagtuunan muna ng pansin ang self mo. Don't worry may abangers na good news mula sa isang tunay na kaibigan.
Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 8
Swerte Meter: 4 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Besh, right decision na unahin muna ang sarili bago ang ibang tao. Walang masama at hindi kasalanan kung isantabi muna ang ibang tao.
Don't be guilty to say "NO" sa mga kapamilya at kaibigan na sumosobra na ang pagdepende sa 'yo. Kailangang turuan na sila leksyon bago mahuli ang lahat. In fairness, maswerte ka this week, enjoy it.
Lucky Color: Pink Rose
Lucky Number: 30
Swerte Meter: 5 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Hey you! Yes you! Epal na epal na ang character development mo sa plot twist ng buhay mo for today's video. Kaya huwag nang magtaka kung hindi ka na isama ng tropa sa next bakasyon grande.
Mag-self reflect muna para sa character development para malaman mo kung bakit La Primera Contravida na ang role mo sa life.
Lucky Color: Green
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 3 Stars
LEO (July 23-August 22)
Good job ka besh today dahil marunong ka nang makinig sa ibang tao. Mas marami kang blessings na matatanggap kung titigilan na ang pagiging selfish.
Keep up the good work at magugulat ka na lang sa matatanggap na super good news sa susunod na mga araw.
Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 40
Swerte Meter: 4 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Matuto kang maghintay, huwag maging atrabida. Hindi minamadali ang mga bagay-bagay pagdating sa pakikipagrelasyon.
Atat na atat lang, besh?! Darating rin ang panahon na tulad nila, makukuha mo rin ang gusto mo. Sa ngayon, tamang work work at manifest muna. Hindi sa kulang ang effort mo, hindi pa talaga kasi ito ang oras para sa 'yo. Trust the process.
Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 3
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
Ang OA na ng pagiging epal mo. Hindi ka na nakakatawa. Kapag ipinagpatuloy ang pang-ookray sa mga kaibigan, talagang mapapahamak ka na.
There's a time for everything. Hindi lahat ng tao same ng humor mo. Maging sensitive sa feelings ng iba dahil kung hindi matitikman mo na ang batas ng isang api!
Lucky Color: Chrome Yellow
Lucky Number: 39
Swerte Meter: 2 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Wala talagang kupas ang pagiging tanga-tangahan mo sa love. Ilang beses ka nang niloko pero hindi ka pa rin nagtatanda. Huwag mo nang pag-isipan, iwan mo na ang dyowa mo dahil puro sakit at pasakit lang ang ibibigay niya sa 'yo.
Life is short. Huwag sayangin ang oras at panahon sa taong walang kakuwenta-kuwenta!
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 55
Swerte Meter: 2 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Ito na ang tamang panahon para harapin face to face ang mga pagsubok sa 'yo ng universe. Huwag na huwag iiwasan ang mga challenges na kinakaharap ngayon. Humingi ng tulong sa pamilya dahil sila lang ang dadamay sa 'yo this time.
Hindi ito ang oras para pairalin ang hiya. Kapalan mo ang mukha ko kung ayaw mong tuluyang masira ang buhay mo.
Lucky Color: White
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 4 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Besh, stop na sa pagka-asyumera dahil hindi ikaw ang type ng taong tinatarget mo. Ito na ang tamang panahon para magising ka sa ilusyon mo.
Prepare yourself and don't self-sabotage. Hindi mo siya deserve kay deadma na at huwag mong kalilimutan – isa kang kabogera!
Lucky Color: Violet
Lucky Number: 20
Swerte Meter: 4 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Sabi nga nila, kapag inggit, pikit! Kaloka ka friend. Itigil mo na iyang pagiging inggitera mo sa mga taong masaya sa buhay at sa achievements ng iba. Dapat masaya tayo para sa kanila unless may masama silang ginawang proseso bago ito nakamit.
Huwag kang magmadali, darating din ang para sa 'yo. Track mo lang 'yung delivery sa link baka naligaw lang. Charot!
Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 16
Swerte Meter: 4 Stars
PISCES (February 19-March 19)q
O, good news naman para sa iyo. Bongga ang magiging takbo ng week na ito for you dahil mangyayari na ang matagal nang inaasam sa iyong lovelife. Huwag nang mag-inarte this time.
Kapag nagtapat siya sa yo ng kanyang feelings, grab na agad! This is it, is it, is it! Chance mo na para lumigaya nang bonggang-bongga!
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 45
Swerte Meter: 5 Stars
Basta palaging tandaan mga ka-BANDERA, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o dedmahin.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito! Please lang!
The post ChiKapalaran (February 9-15, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.

No comments: