Sofia Trazona nakiusap: ‘Please stop sending hate towards mom Izzy!’

HUMINGI ng pang-unawa si Sofia Trazona sa publiko na huwag nang i-bash ang kanyang ina, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy.
Nag-post si Sofia sa kanyang Facebook kamakailan lang, kung saan ibinandera niya ang screenshot ng convo nila ni Izzy recently.
Kalakip din niyan ang caption na: "Okay po kami ni mama don't worry! please stop sending hate towards her. i love my mom so much [white heart emoji]."
Sa palitan nila ng mensahe, mababasa na kinamusta ni Sofia ang kanyang ina: "Okay ka lang jan? Gusto mo mag shopping tayo?"
Ang sabi naman sa kanya ni Izzy, bagamat may pinagdadaanan sila ng anak, patuloy naman nila itong ipinaglalaban sa tulong ng grasya ng Diyos.
Baka Bet Mo: Sofia Trazona focus sa sarili: Maganda tayong haharap kay Lord
"One that I'm grateful, is that ang dami ng dinaanan ng relationship natin and we fight for it. By His Grace," sey ng dating SexBomb member.
Dagdag pa niya, "Magkalayo, but we know in our hearts that the love never goes out. Kahit na ano pang sabihin ng iba."
Ang sagot naman ng kanyang anak: "Of course! You're my mom kadikit ka ng life ko ma. Mahal na mahal kita…I'll never stop fighting for you."
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fsofia.trazonaa%2Fposts%2Fpfbid02X2CicW9dvF5ktkVE8rrukgJuGedhFHZaUSp7yk7TA3JTbfe5b1fUfsgMjm7cb8hCl&show_text=true&width=500" width="500" height="608" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Magugunitang patuloy na pinag-uusapan ang pamilya matapos ang kontrobersyal na pahayag ng mister ni Izzy na si Alvin Aragon tungkol sa kanyang pananampalataya at ang kanyang pananaw sa LGBTQIA+ community, pati na rin ang diumano'y hindi angkop na kilos ng dating girl group.
Samantala, matagal nang bukas si Sofa at Izzy tungkol sa kanilang komplikadong relasyon mula pa noong 2023, lalong-lalo na nang lumabas si Sofia bilang isang transwoman.
Ibinunyag din ni Sofia na minsang sinakal siya ni Alvin bilang paraan ng disiplina noong siya ay bata pa, ngunit isang beses lamang umano ito nangyari.
The post Sofia Trazona nakiusap: 'Please stop sending hate towards mom Izzy!' appeared first on Bandera.

No comments: