BREAKING NEWS

Sofia Pablo, Allen Ansay pak sa kaswitan; Jessica Soho 2026 People of the Year

Sofia Pablo, Allen Ansay pak sa kaswitan; Jessica Soho 2026 People of the Year
Jessica Soho, Allen Ansay at Sofia Pablo

KAHIT pa um-exit na sa Bahay ni Kuya si Sparkle star Sofia Pablo, big winner pa rin siya ngayong love month.

E, kasi nga, extra effort talaga ang ibinigay ng other half ng Team Jolly na si Allen Ansay sa kanilang Valentine's Day date.

Matatandaang nag-propose si Allen kung pwede niyang maging Valentine's Day date si Sofia sa TicktoClock matapos lumabas ni Sofia sa Bahay ni Kuya. 

Kaya noong February 14, "A" for effort talaga siya sa kanyang pa-surprise kay Sofia. 

Masayang ibinahagi ni Sofia sa kanyang social media account ang mga naging kaganapan sa kanilang date kalakip ang ilang sweet photos.

"Happy valentine's mga mare!!  Thank you Aki sa surpriseee," ang caption ng young actress sa mga pictures nilang dalawa ni Allen na kuha sa tabing dagat. 

Parang mga langgam naman ang fans sa pag-like sa post ni Sofia.

Sey nga ng Team Jolly supporter, "Na oll bagay happy Valentine's day."

Excited na rin daw ang fans na matakot at mapanood sina Sofia at Allen sa big screen via "Huwag Kang Titingin" na recently ay pinasilip na ang teaser na kahit baliktad na pinalabas sa social media ay nakakatindig-balahibo pa rin.

Comment tuloy ng isang netizen, "Yung binaliktad mo ang phone mo para mapanuod mabuti ang trailer, tapos binaliktad uli."

Bukod kina Sofia at Allen, bibida rin sa naturang pelikula sina Marco Masa, Sean Lucas, Josh Ford, Charlie Fleming, Anthony Constantino, Shuvee Etrata, Michael Sager, at Kira Balinger. 

Si Frasco Mortiz ang direktor ng pelikula at co-produced ng GMA Pictures at Mentorque Productions. Mapapanood ang "Huwag Kang Titingin" ngayong summer.

* * *

Isa ang  award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga awardee ng PeopleAsia Magazine's People of the Year 2026.

Ayon sa PeopleAsia Magazine, ang People of the Year 2026 ay isang pagkilala sa "beacons of hope who inspire others to do not what is easy, but what is right."

Si Soho ay kinilala para sa kanyang kahusayan sa pamamahayag, na umaabot ng mahigit 40 taon ng pag-uulat at masusing pagsisiyasat sa mga isyung panlipunan.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Soho sa panibagong pagkilala na natanggap niya.

Matatandaang napabilang din si Soho sa Rolling Stone Philippines Hall of Fame at pinarangalan din siya bilang isa sa Tatler Asia's 2025 Most Influential Filipinos.

The post Sofia Pablo, Allen Ansay pak sa kaswitan; Jessica Soho 2026 People of the Year appeared first on Bandera.


Sofia Pablo, Allen Ansay pak sa kaswitan; Jessica Soho 2026 People of the Year Sofia Pablo, Allen Ansay pak sa kaswitan; Jessica Soho 2026 People of the Year Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close