Sheree may pasabog sa ‘Foreplay’, ‘Sirena’ magpapainit sa VMX

NAGSISIMUPA pa lang ang 2026 pero marami nang mga pasabog ang VMX para sa madlang pipol.
May bagong kaakit-akit na misteryong hatid ang "Sirena", kuwento ng isang babae na magdadala ng magandang pagbabago, ngunit buhay rin ang kapalit nito.
Isang pelikula ni Bobby Bonifacio Jr., na pagbibidahan nina Micaella Raz, Van Allen Ong, Rica Gonzales, at Rash Flores.
Magsisimula ang kuwento sa isang lugar na naghihikahos, walang pag-asa at tila walang biyaya ang dagat.
Dito nakatira ang isang pamilya – ang mangingisdang si Jonas, ang kanyang asawa na si Marta, at ang kanilang anak na si Ron-Ron.
Dahil sakitin at mahina ang katawan ni Ron-Ron, palaging nakabantay sina Jonas at Marta sa kanilang anak.
Gabi-gabi, binabasahan ni Jonas si Ron-Ron ng Alamat ng Diwata ng Tubig, tungkol sa isang misteryosang babae na may kakayahang magbigay ng yaman ng dagat kapag siya'y nabusog sa laman ng ibang tao.
Isang araw, habang nasa laot, sasabit sa lambat ni Jonas ang isang babaeng walang damit, walang imik, tahimik, at nakatulala.
Tao, ngunit ramdam ang kakaibang hiwaga na kanyang taglay. Siya kaya ang diwatang matagal na nilang nababasa sa libro?
Tinutulungan ni Jonas ang babae at pinangalanan niya itong Iana. Itatago niya ito sa kubo, bibihisan, at pakakainin.
Habang nagpapahinga si Jonas mula sa mga pinagdaanang hirap, lalapit si Iana sa kanya, iibabaw hanggang sa may mangyari na nga sa kanila. Isang masarap na karanasan, ngunit makakaramdam si Jonas ng panghihina at bigat sa kanyang dibdib.
Kinabukasan, matapos ang nangyari sa kanila ng misteryosang babae, magugulat si Jonas sa masasaksihan – dumami ang isda sa dagat, at sa wakas, nakatanggap sila ng biyaya.
Muling may namamagitan kina Jonas at Iana, at muli ring nararamdaman ni Jonas ang panghihina ng kanyang katawan.
Ngunit tulad ng nakaraan, umaapaw ang biyayang kanilang natatanggap mula sa dati'y natutuyot na karagatan.
Hanggang kailan maitatago ni Jonas ang hiwagang dala ni Iana? At si Jonas din ba ang magiging kabayaran para magkaroon ng kasaganahan sa kanilang bayan at magdulot ng kaginhawaan sa kanyang pamilya?
Si Iana ba ang pag-asang matagal na nilang hinihintay o siya ay isang sumpa na sa huli ay sisira sa lahat? Mahumaling sa tawag ng "Sirena" mapapanood na sa VMX!
Samantala, isa pang kaabang-abang sa VMX ay ang kakaibang pang-anyaya na ipakikita ng "Foreplay", isang VMX Special hatid ang art of seduction bago pa man magsimula ang intense na pisikalan ng dalawang taong may tensyon at pagnanais sa isa't isa.
Ibibida sa feature na ito ang mga tumatak na foreplay scenes mula sa ilang VMX movies na nagpa-init at nagpa-intense sa panonood ng mga viewers.
Ang "Foreplay" ang magiging sensual guide sa pang-aakit na puwedeng magamit sa real-life encounters para makapagspark ng desire, palalimin ang intimacy, at tuluyang bumigay sa tukso.
Hosted by the sexy and irresistible Sheree Bautista, ibibida niya ang mga piling eksena na puno ng flirting at tension, na nauuwi sa mga 'di malilimutang sarap at karanasan.
Highlight sa feature na ito ang mga VMX original movies na "Wanted Girlfriend", "Sex on Phone," "Serbidoras", "Celestina: Burlesk Dancer", "Kitty K7", "Daddy Sitter," "Private Tutor," "Nympho", "Elevator Lady," at "Pihit."
Hosted by Hotbabe Sheree, siguradong mag-iinit ka at hindi mo mapipigilan ang tawag ng Foreplay. Mapapanood na ngayong February 3, 2026 sa VMX.
Para i-stream ang Sirena at Foreplay punta na sa web.vivamax.net.
The post Sheree may pasabog sa 'Foreplay', 'Sirena' magpapainit sa VMX appeared first on Bandera.

No comments: