BREAKING NEWS

Ashley Ortega, Faith Da Silva nag-away dahil sa lalaki, lumabag sa girl code

Ashley Ortega, Faith Da Silva nag-away dahil sa lalaki, lumabag sa girl code
Faith Da Silva at Ashley Ortega

NANG dahil sa lalaki, nagdedmahan at nagkaroon ng samaan ng loob ang mga Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Faith Da Silva.

Rebelasyon ni Ashley, may kaugnayan sa tinatawag na "girl code" ang naging ugat ng alitan nila ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre" star ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa nakaraang episode ng Kapuso vodcast na "Your Honor", nagpakatotoo si Ashley sa paglalantad ng nangyari sa pagitan nila ni Faith at kung paano naapektuhan nito ang kanilang friendship.

"Hindi naman actually away na malala. Actually, sasabihin ko 'yong pangalan niya kasi napag-usapan na rin namin. Okay na rin kami ngayon. Si Faith Da Silva," pag-amin ng aktres.

"Alam mo, sobrang love ko 'yan si Faith. Kasi no'ng mga bagets kami, no'ng teenage days talaga. Kaya lang naman nagkaroon ng beef kasi 'yong ex ko parang naka-date niya," pahayag pa ni Ashley.

Feeling kasi niya, nilabag ni Faith ang girl code na ang major-major  principle ay huwag papatulan ang ex-dyowa ng kaibigan.

"Tapos parang I think after four years, nagkasama kami sa workshop. Siya 'yong lumapit sa akin. 

"Tapos sabi niya, 'Ash, sorry sa mga nangyari before.' Kasi hindi kami nagpapansinan no'n after that happened, e," saad ni Ashley. 

Pero nilinaw ng dalaga na hindi naman sila umabot sa todong away. Nagkaroon lang ng wall sa pagitan nila kaya hindi na sila nagpansinan.

Wala namang binanggit si Ashley kung sino ang ex-boyfriend na naka-date ni Faith. 

Kung matatandaan, bago niya naging dyowa si Mavy Legaspi, nakarelasyon muna niya si Lucena City Mayor Mark Alcala at ang Kapuso actor-host na si Juancho Trivino.

The post Ashley Ortega, Faith Da Silva nag-away dahil sa lalaki, lumabag sa girl code appeared first on Bandera.


Ashley Ortega, Faith Da Silva nag-away dahil sa lalaki, lumabag sa girl code Ashley Ortega, Faith Da Silva nag-away dahil sa lalaki, lumabag sa girl code Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close