BREAKING NEWS

CNY 2026: Tips ni Master Hanz para i-‘reset’ ang energy, hatakin ang swerte

CNY 2026: Tips ni Master Hanz para i-'reset' ang energy, hatakin ang swerte

KUNG noong nakaraang taon ay ramdam mo ang malas, huwag mag-alala! 

May paraan para i-reset ang iyong energy ngayong Year of the Fire Horse, ayon sa exclsuive interview ng BANDERA kay Feng Shui expert na si Master Hanz Cua.

"Kung malas ang last year mo kagaya ni year of the pig –kalaban kasi ni pig ang year of the snake last year," paliwanag niya.

Pero huwag mag-alala, dahil ang 2026 ang recovery year!

Ibig sabihin, pwede nang maayos ang mga delay at problema na naipon noong nakaraang taon. 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran: Swerte ka ba sa pera, career at lovelife sa 2026? 

"Maraming delayed last year? This year, ma-overcome o maayos niyo ang mga delay, ang mga issue," giit pa ni Master Hanz

Para sa mga nagtataka kung paano nga ba ma-overcome ang malas, simple lang ang sikreto ni Master Hanz: sipag, tiyaga, at determinasyon.

Dagdga pa niya, "Alam mo, ang susi natin this year is sipag. Pinaniniwalaan ni Master Hanz Cua na ikaw mismo, sa kamay ko mismo, ako mismo ang gagawa ng swerte ko. Magsisimula tayo sa pagiging masipag dahil once na masipag tayo, opportunities, pera at swerte ay dadaloy."

Bukod diyan, importante rin daw ang positive energy at mga pampaswerte.

"Dagdagan ng sangkap ng feng shui ang mga lucky charms. Konting pampaswerte, i-display 'yan. Positive mindset, pray tayo, good do good the karma. At 'yan po ang ilan sa mga ingredients, mga sangkap para maging maganda ang taon natin," wika niya.

Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, maraming tradisyon ang pwede mong gawin para mag-reset ng energy:

  • Paglilinis ng bahay bago ang Bagong Taon – sinasabi na tinatanggal nito ang malas at pinapasok ang swerte.
  • Red envelopes o "ang pao" – paminsan, nagbibigay ito ng good luck, lalo na sa kabataan at pamilya.
  • Paglalagay ng lucky charms at dekorasyon
  • Family reunion at masasarap na pagkain – para sa positive energy at pagkakaisa.

Pagsamahin ang mga tradisyon na ito sa sipag at diskarte, ayon kay Master Hanz at tiyak na mas magiging masagana ang taon!

Bukod sa Feng Shui, si Master Hanz ay nagbibigay ng practical tips para sa daily life, at naniniwala na ang swerte ay pwede ring likhain sa pamamagitan ng sipag at tamang mindset.

Sa simpleng paliwanag ni Master Hanz, malinaw na ang swerte ay hindi lang basta dumarating dahil kailangan mo rin itong gawin at i-attract sa tamang paraan. 

Kaya kung nakaranas ka ng malas noon, panahon na para i-reset ang energy, magpakasipag, at mag-focus sa mga positibong bagay sa buhay.

The post CNY 2026: Tips ni Master Hanz para i-'reset' ang energy, hatakin ang swerte appeared first on Bandera.


CNY 2026: Tips ni Master Hanz para i-‘reset’ ang energy, hatakin ang swerte CNY 2026: Tips ni Master Hanz para i-‘reset’ ang energy, hatakin ang swerte Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close