BREAKING NEWS

Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak

Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak
Ogie Diaz at Erin Diaz

NAPAKABILIS talaga ng panahon, parang kailan lang ay nagte-training pa lang ang anak ni Ogie Diaz na si Erin, ngayon ay isa na siyang certified chef.

Nakita namin si Ogie kasama ang dalawa niyang kaibigan sa Gateway Mall 2 nitong Biyernes, Pebrero 6 kung saan galing daw sila sa food tasting ng bagong bukas na Filipino Restaurant, ang Rosario kung saan ang panganay niyang anak na si Erin ang isa sa mga chef.

Nagulat kami dahil huling kita namin kay Erin ay noong isinama kami ng Daddy Ogie niya sa bahay nila sa Tagaytay City at doon daw siya muna para sa kanyang on the job training.

"Sabi ng mga kasama ko, parang nagti-trip lang ako (bilang chef) na sa mga susunod na araw ay hindi na ako papasok kasi hindi ko need ng pera kasi mayaman naman daw kami," tumatawang kuwento ni Erin.

Maaga pa kami nagkita ni Ogie, pasado alas-otso ng gabi at inaya kaming magkape dahil hihintayin niya ang anak at isasabay nang umuwi.

Inakala namin na binigyan na ni Ogie ng sariling sasakyan ang anak, "Hindi naman marunong mag-drive, hindi katulad ni Gady (nag-aaral ng medisina) marunong pero hindi ko pa rin binigyan ng sasakyan kasi nagre-rent siya ng condo malapit sa school (UST)."

Marahil ay nainip na si Ogie at tinanong si Erin kung anong oras uuwi at sinabing closing time siya, 10 p.m..

"Grabe, 10 p.m. pa raw uuwi si Erin, anong oras na ba (pasado 8 p.m.), hintayin ko na lang kesa mag-grab gabi na, total nandito naman na ako," katwiran ng proud dad sa lima niyang anak.

Paanong hindi proud si Ogie Diaz, ngayong 2026 ay tatlong anak niya ang magtatapos ng kolehiyo, at senior high school at ngayong araw, Pebrero 9 ay 9th birthday ng bunso niyang si Meerakel.

"Pupunta nga sila ng mommy niya sa Singapore, gustong mag-Universal Studios," kaswal na sagot ni Ogie.

Hindi naman masasamahan ni Ogie sa pamamasyal sa Universal ang anak dahil marami raw siyang gagawin dito sa Manila.

Hanggang sa lumabas na si Erin at nagulat kami dahil ang gandang bata kaya tinanong kung bakit hindi siya nag-showbiz at sumenyas na ayaw raw ng tatay niya.

Iyon naman daw ang mahigpit na bilin ni Ogie sa mga anak na unahin munang magtapos sila bago mag-artista ang kaso mukhang wala nang may gustong mag-showbiz sa kanila.

The post Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak appeared first on Bandera.


Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close