BREAKING NEWS

Angeline Quinto mariing itinanggi ang pagparetoke ng ilong: ‘Hindi talaga!’

Angeline Quinto mariing itinanggi ang pagparetoke ng ilong: 'Hindi talaga!'
PHOTO: Instagram/@loveangelinequinto

MULING nilinaw ng singer-actress na si Angeline Quinto na natural ang kanilang ilong at hindi siya nagpa-rhinoplasty, kahit pa maraming haka-haka sa social media.

Sa isang chikahan kay comedian Chad Kinis, pinatunayan ng singer na ang secret sa perfect niyang ilong sa kamera ay "magic" ng kanyang makeup artists.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na walang enhancements si Angeline. 

Ayon sa kanya, may mga procedures na siya na ginawa sa tulong ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Baka Bet Mo: Angeline Quinto na-bad trip kay Yeng bago magpakasal kay Nonrev Daquina

"Meron, nagpa-lipo ako dati. 2013 nagpa-lipo ako ng tiyan kasi kahit pumapayat ako parang naiiwan 'yung tiyan ko. Ang hirap. Sa lalaki at babae, sinasabi ni Dra. Belo, kapag may tiyan ka, kahit everyday ka mag-gym, mahirap talaga siyang mawala compared dito sa arms diba," pagbabahagi niya.

Bukod sa liposuction, nagpa-breast reduction si Angeline noong 2016 at nagpa-deep set eye surgery rin dati. 

Hindi rin nakalimutan ang braces para sa kanyang ngipin, ayon kay Dra. Belo, para mas mapaganda ang kanyang smile.

Ngunit kahit maraming nag-aakala na nagpa-ilong siya, mariing itong itinanggi ni Angeline.

"After nung liposuction nung 2013, nagpa-breast reduction naman ako nung 2016. 'Yun 'yung mga pinagawa ko. Maraming nagsasabi na nagpagawa ako ng ilong, tinanggap ko nalang. Pero hindi talaga ako nagpagawa ng nose," paliwanag niya.

Nagkwento rin siya tungkol sa consultation sa Belo clinic para sa isang alar trim, isang procedure para paliitin ang nostrils. 

Pero hindi raw ito natuloy dahil inirekomenda ng doktor na dagdagan din ang bridge ng ilong, bagay na ayaw niya.

"Sabi ko 'Doc, ayoko.' Baka lalo mag-iba yung itsura ko kasi may konting bridge naman ako kahit papaano. Matangos talaga 'yung ilong ng nanay at tatay ko," sey pa niya.

At syempre, hindi nakaligtaan ni Angeline na i-credit ang kanyang makeup artists sa flawless niyang ilong.

"Kaya 'yung mga makeup artists ko, sanay na sanay sila na basta contour at nose line, dapat perfect sa akin," aniya.

The post Angeline Quinto mariing itinanggi ang pagparetoke ng ilong: 'Hindi talaga!' appeared first on Bandera.


Angeline Quinto mariing itinanggi ang pagparetoke ng ilong: ‘Hindi talaga!’ Angeline Quinto mariing itinanggi ang pagparetoke ng ilong: ‘Hindi talaga!’ Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close