Ogie nagka-‘near-death’ experience sa anniv nila ni Regine: ‘Life is really short!’

NAUWI sa matinding takot ang isang selebrasyon na dapat sana ay puno ng saya.
Sa isang interview sa YouTube show ni broadcast journalist Karmina Constantino na "KC After Hours," ibinunyag ng OPM icon na si Ogie Alcasid na muntikan na siyang mamatay noong Disyembre.
Ito ay kasabay pa ng pagdiriwang ng ika-15th wedding anniversary nila ng misis na Asia's Songbird Regine Velasquez.
Kwento ng singer-actor, nawalan siya ng malay matapos mabulunan habang kumakain.
Baka Bet Mo: Ogie Alcasid may lung cancer daw: Isa na namang malaking fake news ito!
"My eldest daughter got married last year. I wanted that to be the highlight of the year. That was the event of the year for our family. But of course, I did not want 2025 to go without celebrating our 15th [anniversary]," umpisang chika ni Ogie.
Dahil dito, naisipan niya raw magbakasyon kasama ang buong pamilya sa paborito nilang isla, kahit limitado ang budget.
"Let us go to our favorite island and bring family, 50 of us. Of course, I could not afford that so I can just sing one night. I had a concert and she guested," sey niya.
Ngunit matapos ang masayang konsiyerto, doon na nangyari ang hindi inaasahan.
"After the concert I was chatting with the band and I have this bad habit of not chewing my food. So nakipagkwentuhan ako and I choked on the chicken I was eating. It was quite dry and I had a bad cough too. I choked and lost consciousness," kwento niya.
Sa kabutihang-palad, agad na rumesponde ang anak ni Ogie na si Sarah, isang nurse na naka-base sa Australia at kasama sa biyahe.
Ayon kay Regine na kasama rin sa naturang panayam, takot na takot siya that time dahil inakala niyang mawawala na sa kanila ang kanyang asawa.
"She pounded his back. It was a few seconds but we could have lost him. I was so scared and I was so shocked, I could not believe it. In my head I kept thinking I could have actually lost him," wika niya.
Makalipas ang ilang sandali raw ay muling nagkamalay si Ogie at unang nakita ang anak na pilit siyang kinakausap.
"I regained consciousness and she was holding my face. She said, 'Dad, can you hear me? Can you breathe?'" saad niya.
At dahil sa insidente, aminado si Ogie na nagbago ang pananaw niya sa buhay at mas tumibay ang pagpapahalaga niya sa pamilya.
"I had so many realizations that night. Then we had a convo with my son and family. What I realized from that experience is that yes, life is really short and it comes so unexpectedly," lahad niya.
At kahit seryoso ang pinagdaanan, hindi pa rin nawala ang sense of humor ng singer-composer.
And going away would eating chicken is not ideal. It is not a good way to go, not a good look," pabiro niyang sabi.
The post Ogie nagka-'near-death' experience sa anniv nila ni Regine: 'Life is really short!' appeared first on Bandera.

No comments: