Aiko Melendez, Onemig Bondoc magdyowa na, susunod na ang kasal!?

"WILL you be my girlfriend?" ang diretsong tanong ni Onemig Bondoc kay Konsehala Aiko Melendez sa latest vlog ng dating aktor na uploaded na sa YouTube.
Nasa Haya Nature Resort ang dalawa sa Botolan, Zambales kung saan nag-food review si Onemig kasama si Aiko na kumain din for second opinion.
Mukhang magkasundo sila pagdating sa pagkain dahil kung ano 'yung hindi gaanong masarap kay Onemig ay gayun din ang komento ni Aiko.
Mukhang maganda ang kabuuan ng nasabing resort kaya hinikayat pa rin ni Onemig na kung naghahanap ng weekend getaway ay inirerekomenda niya ang lugar dahil tahimik at nakaka-relax.
"Maganda ang beach and you can really enjoy it lalo na sa couples like us (sabay lagay ng kamay ni Uno sa likod ni Aiko), tama ba?" tanong nito sa babaeng hinintay niya ng 29 years.
Aliw si Aiko at nagpa-cute pa sabay sagot ng, "Yes."
Sundot ni Uno, "Will you be my girlfriend?"
"Ha-hahahaha!" tumawang sabi ni Aiko.
"Basta aabangan na lang nila?" tanong ulit ni Onemig.
"Ay hindi na nasagot ko naman na," nakangiting sabi ng konsehala ng 6th District ng Quezon City.
Hirit ulit ni Onemig, "Will you marry me?"
"Ah, do'n sa vlog ko," ang sagot ni Aiko na ibig sabihin ay abangan sa YT channel niya ang sagot sa tanong ng boyfriend niya kung papayag siyang magpakasal na.
Ilang beses na naming nasulat dito sa BANDERA na parehong may edad na sina Onemig at Aiko kaya hindi na nila patatagalin pa ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship.
Pareho namang bukas ang dalawa sa pagpapakasal para ma-enjoy nila ang isa't isa bilang mag-asawa.
At nabanggit namin ito sa konsehala nang magka-chat kami na ang susunod na anunsyo nila ay kasalan na at tinawanan kami ng bongga.
Mukhang boto naman na ang lahat kay Onemig dahil inamin niyang hindi nawala ang pagmamahal niya kay Aiko sa loob ng 29 years kahit na nakailang relasyon na siya.
Tinanong din namin ang manager ni Aiko na si Ogie Diaz nang magkita kami kamakailan kung okay sa kanya si Uno.
"Hindi naman ako nakikialam pagdating sa lovelife ni Aiko, sabi ko kung saan ka magiging masaya suportahan kita," say ni Ogie sa amin.
At base rin sa mga nabasa naming komento sa vlog ni Onemig ay pawang positibo lahat.
"Malapit na Ang wedding bells."
"In my honest opinion, magaling mag host si Onemig. Natural at kalma, spontaneous magaling magaling."
"Sa Lahat ng couple, Dito Ako kinilig ng sobra-sobra."
"Onemig is so natural ok na ok siya mag vlog very soon makaka 100k ang vlog mo. Hopefully mag pakasal na kayo ni Aiko. ️
"Sino dito yung kamukha ko na naka smile agad kahit wala pasi Aiko sa screen."
"Nakakatuwa ang mga nangyayari sa showbiz couples ngayon, Si Katrina Halili at Kris Lawrence mukhang may 'come back.' Kilig din at itong si Aiko at Onemig ganun din. Nakakasawa na ang balitang corruption at flood control issue back home kaya dito muna tayo tatambay–puro good vibes lang dito."
"May terms of endearment na sila! Yiiy! I really like this couple kasi walang kaarte-arte. Di tulad ng ibang artista, daming eme. I really, really, really hope sila na ang endgame. You can really see how much Onemig cares for Aiko and super in-love."
"I love that Onemig uses "kame". Mukang mabait sya Kay Aiko."
The post Aiko Melendez, Onemig Bondoc magdyowa na, susunod na ang kasal!? appeared first on Bandera.

No comments: