BREAKING NEWS

Kurt Veneracion bagong ‘Adonis’ ng VMX, payag mag-third wheel sa AshDres

Kurt Veneracion bagong 'Adonis' ng VMX, payag mag-third wheel sa AshDres
Kurt Veneracion

PROMISING at may future bilang leading man ang baguhang aktor na si Kurt Veneracion na maituturing na "Adonis" sa VMX. 

Maraming nang-engganyo kay Kurt na pasukin na ang showbiz dahil sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan, bukod sa natural niyang talent sa pag-arte.

Mina-manage ngayon ng producer at talent manager ng 3:16 Media Network na si Len Carrillo si Kurt at naniniwala siya sa kakayahan ng binata pagdating sa aktingan.

Bida si Kurt sa pelikulang "Sagaran" kasama sina Ashley Lopez, Marco Gomez, Mon Mendoza at Yda Manzano.

Bakit niya pinasok ang pagiging VMX star kaysa maging wholesome ang image?

"Mabilis po kasi ang oportunidad dito lalo na bilang first film at lead role po. Stepping stone po para  mapansin sa industriya. Challenge  ito sa sarili ko para  maipakita ang acting range ko. 

"Bukod pa rito, mas malaya ang platform sa mature at daring roles, kaya mas marami akong natutunan at mas na-explore ko ang craft ko kumpara sa mas safe o conservative na wholesome projects," sey pa ni Kurt.

Naniniwala siya na matindi at maraming kakumpitensya sa pagiging wholesome. Gusto niya na mabilis na ma-penetrate ang showbiz. 

Kumusta ang experience niya sa paggawa ng "Sagaran"?

"Na-overwhelm ako sa simula kasi lead agad ang role ko at  first film ko ito. Sabay-sabay na  dumating ang pressure at expectation. 

"Mabigat pero sobrang fulfilling ang experience dahil kinailangan kong mag-adjust sa workload at sa overall na takbo ng trabaho sa set.

"Maraming moments na challenging at nakakapagod, pero doon ko rin mas natutunan kung paano maging mas disiplinado, patient, at open sa learning process.

"Sa buong experience, mas naintindihan ko kung gaano kahalaga ang teamwork at respeto sa bawat tao sa production. 

"Hindi lang ito tungkol sa performance, kundi sa commitment at consistency hanggang matapos ang proyekto, kaya thankful ako sa mga natutunan at sa pagkakataong maging bahagi ng pelikulang ito," saad pa niya.

Anong unang reaksyon niya nang sahihing maghuhubad siya sa una niyang pelikula?

"Medyo nakakahiya nga nu'ng una, pero habang tumatagal, naging comfy na kasi ginagawa naman natin ito sa personal na buhay. 

"Natutunan kong i-focus ang isip sa role at sa eksena kaysa sa sarili ko, kaya unti-unti na rin nawala 'yung awkwardness at na-deliver ko nang maayos ang performance," tugon niya.

Hirit pa niya, malaki rin kasi ang tiwala niya kay Direk Sid Pascua. Palabas na ngayon sa VMX ang "Sagaran." 

Samantala, natanong din si Kurt kung sino ang showbiz crush niya at gustong makasama sa Viva?

"Crush ko si Ashtine Olviga. Bukod kasi sa talented siya, pangarap ko na makasama ang AshDres sa project nila. Kahit pampagulo sa kanila o third wheel. Ha-hahaha!" bulalas pa ni Kurt sabay natawa.

Sa ngayon, gustong mahasa sa pag-arte ni Kurt. Balak niyang pumasok sa summer acting workshop para mas ma-improve ang akting niya. 

Gusto rin kasi niyang makatawid sa pagpapaseksi na maging wholesome ang proyekto sa tamang panahon.

The post Kurt Veneracion bagong 'Adonis' ng VMX, payag mag-third wheel sa AshDres appeared first on Bandera.


Kurt Veneracion bagong ‘Adonis’ ng VMX, payag mag-third wheel sa AshDres Kurt Veneracion bagong ‘Adonis’ ng VMX, payag mag-third wheel sa AshDres Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close