BREAKING NEWS

Pasabog ni Ramil Madriaga vs VP Sara posibleng unahin ng House panel

Pasabog ni Ramil Madriaga vs VP Sara posibleng unahin ng House panel
Sara Duterte

PINAG-AARALAN ng House Committee on Justice na unang talakayin ang sinumpaang-salaysay ni Ramil Madriaga kapag nagsimula na ang pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Si Madriaga ang nagsabing nagsilbi siyang bagman ni Duterte at malaki ang donasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa campaign funds ni Duterte noong 2022.

Tiniyak ni House Deputy Majority Leader Gil Acosta na susuriin ng husto ng mga miyembro ng komite ang mga pagbubunyag ni Madriaga.

Ayon naman kay Atty. Raymund Palad, abogado ni Madriaga, handa na ang kanyang kliyente na humarap sa pagdinig bagamat hindi nila inakala na isa mga pinagbasehan ng reklamo ang mga pagbubunyag ni Madriaga.

Binanggit din ni Madriaga na nakaharap niya sina Michael Yang at Ling Wei Xiong, kapwa kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at POGOs, noong nagsisilbi pa siya sa bise-presidente.

The post Pasabog ni Ramil Madriaga vs VP Sara posibleng unahin ng House panel appeared first on Bandera.


Pasabog ni Ramil Madriaga vs VP Sara posibleng unahin ng House panel Pasabog ni Ramil Madriaga vs VP Sara posibleng unahin ng House panel Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close