BREAKING NEWS

Kalayaan hiling ni Mary Jane Veloso para maalagaan mga anak, magulang

Kalayaan hiling ni Mary Jane Veloso para maalagaan mga anak, magulang
Mary Jane Veloso

UMAPELA ang dating overseas Filipina worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa gobyerno na bigyan na siya ng ganap na kalayaan para maalagaan niya ang kanyang tumatandang magulang at mga anak.

Sa kanyang sulat, sinabi ni Veloso na matagal na siyang nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay at sabik na sabik na siyang makapiling ang mga ito.

Higit isang taon na ang lumipas nang makabalik sa bansa si Veloso mula sa ilang taon na pagkakakulong sa Indonesia dahil sa drug smuggling.

Inilahad ni Veloso na hanggang walong oras ang biyahe ng kanyang mga magulang upang mabisita lamang siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Noong nakaraang Disyembre, hiniling sa Kamara kay Pangulong Marcos Jr., na bigyan na ng "presidential pardon" si Veloso.

The post Kalayaan hiling ni Mary Jane Veloso para maalagaan mga anak, magulang appeared first on Bandera.


Kalayaan hiling ni Mary Jane Veloso para maalagaan mga anak, magulang Kalayaan hiling ni Mary Jane Veloso para maalagaan mga anak, magulang Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close