BREAKING NEWS

Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo!

Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo!
Sharon Cuneta

TUWANG-TUWANG ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta na nagetsing na niya ang kanyang senior citizen card.

Sey ni Ate Shawie, naniniwala siyang isang maganda at exciting na pribilehiyo ang proseso ng aging o ang pagkakaedad.

Sa kanyang Instagram post, makikitang ang date issued ng  ibinahagi niyang litrato ng senior citizen card ay noon pang January, 2026.

"Heto na siya!!! (Siempre inalis ko ibang info, pero ito na Senior Card ko!!!) Hahahaha!!! Yahooo!!!!" ang mababasa sa inilagay niyang caption sa IG post.

Aniya pa, "AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank You, Lord!" 

Bumuhos naman ang mga congratulatory message ng mga netizens para sa premyadong actress-singer at showbiz icon. 

Ilan sa kanyang fans ay nagkomento rin pak na pak na 1×1 picture na ginamit sa card at nagsabing hindi pa siya mukhang senior citizen.

"Grabe naman ang face card ng mama na 'yan, senior na ba 'yan siya talaga??? i love u!"

"The 1×1 pic is screaming: 'Bibigyan mo ba ako ng discount o ihahampas ko sayo tong maleta?!'"

"Apaka ganda naman señior nyan."

"Dami na privileged at discount… Who would ever say the mega star is now …60? Hindi kita sa aura!"

"Aging like fine wine, Mama! Mas blooming, mas glowing!"

"Super! You look 28 years old in person Mega @reallysharoncuneta na starstruck ako."

"Grabe naman po! How to be you po? Look so young e.. hndi naman po pang senior yung picture. Love it. Love you po."

Ang senior citizen card sa bansa, alinsunod sa Republic Act (RA) 9994, ay nagbibigay ng 20% discount at Value-Added Tax (VAT) exemption sa mga pangunahing pangangailangan ng isang senior.

Kabilang na riyan ang gamot, konsultasyon, laboratoryo, pamasahe, kainan, hotel, sinehan, at ilang libangan.

Sa mga mag-aaplay ng card, kailangang 60 years old and above, Filipino citizen at residente ng barangay kung saan ito kukunin. 

Magpunta sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na matatagpuan sa munisipyo o barangay hall at magdala ng birth certificate/ID, 1×1 picture at barangay clearance. 

Libre o walang dapat bayaran ang sinumang kukuha ng senior citizen ID. 

The post Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo! appeared first on Bandera.


Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo! Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo! Reviewed by pinoyako on February 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close